Chapter 52 - Surprised O_____O

2.1K 44 0
                                    

Chapter 52 - Surprised O______O

    (Ariana's POV)

      Pinahid ko pa ang ilang luhang pumatak sa mata ko habang nagda-drive, di ko maiwasang maiyak sa nangyare sa guitarang binigay ko sa kanya, noon ayaw na ayaw niyang magasgasan o hawakan ito ng iba, pero ngayon ... sira na -.-

   Naalala kong birthday na bukas ni Vincent, ano naman kaya ang ireregalo ko sa kanya ngayon? yung di na ba madaling masira o ipagawa ko na lang kaya ito. Napatingin ulit ako sa guitarang nasa passenger seat ko.

   Inihinto ko sa isang mall ang kotse ko, kinuha ko ang shades at cap ko, lumabas ako bitbit mismo ang lahad na sirang guitara, di ko kasi nakita ang lagayan nito kanina kaya naman, kitang-kita ang pagkasira nito.

   Di ko pinansin ang mga taong panay ang kuha ng litrato at tawag sa akin. Mabilis akong naglakad, para naman maidala ko ito agad.

   Inabot lang ako ng 20 minutes, nang makasakay ako sa kotse ay hinubad ko na ang cap at shades ko, sabi ay pwede ko na daw yung makuha mamaya o bukas, dahil uunahin na daw nila iyon. Advantage na rin siguro ang pagiging sikat ko kaya uunahin nila ang guitara ko.

   Nagtext na ko kila Ryza, Kiel, Kyle, Brenda, Kieth, Yassi at Sky, about sa surprise ko para kay Vincent, kahit naman di ko siya maintindihan at napaka-lamig niya sa akin, naisipan ko pa rin siyang gawan ng surprise ... wala eh, mahal ko! Kaya kahit ano pang pandededma, pagtataboy ang gawin niya ay di ako susuko, kasal na lang ang kulang sa amin ... hindi ko iyon sasayangin dahil lang sa mood swings niya.

   Napa-preno ako bigla ng umikot ang paningin ko, nakaramdam ako ng pagkahilo at sakit ng ulo ... mukhang nasobrahan na rin ako ng stress ha?!

   Nang maginhawaan at maging okay ay pinagpatuloy ko na ang pagmamaneho pauwi. Mabilis akong nakarating sa unit ko, medyo nagtaka pa ako ng bukas na yun ... Kala ko pa nga ay si Vincent kaya agad ko itong tinakbo, ngunit na dissapoint ako ng ibang lalaki ang nadatnan ko.

   "Dissapointed?" mapang-asar na tanong niya.

   Ibinaba ko ang hand bag ko sa couch, lumapit siya sa akin para humalik kaya hinayaan ko naman siyang bumeso. "Why are you here?!" walang ganang sambit ko.

   Di naman sa dissapointed talaga ako, dahil nga di si Vincent ang nadatnan ko, siguro medyo lang ... umasa kasi ako, akala ko---haayy nevermind!

    "I just want to say that ... I'm going back to New York" napalingon ako sa kanya sa narinig ko?

    "What? Why?" kunot-noong tanong ko, "Gray you know that I will not going with you right?!" seryoso kong sabi sa kanya.

  Imbis na mainis sa sinabi ko ay tumawa lang siya, "Don't worry Ariana, I will not force you this time ... I also want to say that I'm happy for you ... I'll let you to be with Vincent ... I'll gave you your freedom"

   Di ako makapaniwala sa lahat ng naririnig ko, tama ba to? hahayaan niya na ko?! Hahayaan niya na kami ni Vincent?!

    "Wala ba akong thank you hug?" pabirong tanong nito, di na ko nagdalawang isip pa at sinunggaban ko na siya ng mahigpit na yakap!

   "Gray thank you, thank you so much ... you're important to me kaya sobrang saya ko ngayon, I know someday, you will find your true happiness, because your kind, thank you Gray ... Thank you" naramdaman ko ang mahigpit din na yakap niya at ang marahan na paghalik sa buhok ko.

   I'm very happy right now ... ngayon pwede na, pwede na talaga kaming magpakasal dahil wala ng tututol! Sobrang excited na ko na makita si Vincent at sabihin sa kanya ang magandang balita. Pero mas maganda siguro kung bukas ko na lang sabihin, sa araw mismo ng birthday niya.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon