Chapter 15 - Chasing Cars

3.5K 64 1
                                    

Chapter 15 - (Chasing Cars)

(Ariana's POV)

Open space pala ang night club na sinasabi ni Drew, actually kanina pa kami dito ... kanina ko pa rin hinahanap sila Drew ... hmmm mukhang lumandi pa ang mga yun.

"Di ka pwedeng uminom Myloves" napatingin ako kay Kyle, iniiwas niya kasi yung baso na may lamang tequila kay Brenda.

"Hoy Salvador kanina ka pa ha, ayaw mo kong painomin ng lights tapos ayaw mo rin akong painumin ng hard ... baka naman gusto mo gatas na lang inumin ko" - Brenda

"Pwede din-"

"ANO?!" yan na nakasigaw na naman siya, sinapian ata ito ni Ryza eh' yung ingay kasi ng bibig ni Ryza napunta kay Brenda.

"Joke lang naman myloves juice na lang kasi ... oh" wala na ngang nagawa pa si Brenda.

Katabi ko ngayon si Ryza at si Vincent, as usual di naman ito humihiwalay sa akin eh ... namimihasa porke di na ako masyadong nagtataray sa kanya.

Inom lang ng inom si Ryza, hinahayaan ko lang di naman sa gusto ko ulit mag-away sila ni Kiel katulad ng ginawa ko noon pero masama kasi ang loob niya, maganda daw ang alak para maibsan ang sama ng loob, though di ako naniniwala doon.

Kanina ko pa napapansin na hindi na nga nagkikibuan sila ni Kiel, ewan ko lang ha ... tingin ko mali talaga ang iniisip ni Ryza about kay Kiel, Every time I looked at him' I saw his worried face towards to Ryza. Di ko lang mapin point kung ano yun but I know he loves Ryza so much.

Si Kieth, kanina pa nasa dance floor magsha-shopping daw dahil loner daw siya, shopping means manlalandi na naman. Kaya di ako nagkamali sa impression ko sa lalaking iyon eh 'alam kong tunay siyang malandi.

"Yas lights lang ha" - Sky to Yassi

"Yes chef 'ikaw din ha baka malasing ka dapat lights lang din" - Yassi to Sky.

Isa pa tong dalawa na ito, pansin ko lang kumpara sa relasyong meron sila Ryza at Brenda ... kay Yassi ang pinaka-magaan yung tipong walang problema at kung meron man tingin ko madali lang nilang lutasan.

"Don't drink to much" paalala na naman nitong lalaki sa tabi ko.

"6 times" I said

"Huh?" clueless na tanong niya.

"6 times na paalala mo nay an Vincent, My god mas matanda ako sayo at alam ko ang ginagawa ko" di ako galit, dito ko lang dinadaan ang nararamdaman ko sa kanya, hangga't kayak o pipigilan ko ang nararamdaman ko sa kanya.

"Sorry I just-"

"Ariana" di na natuloy ni Vincent ang sasabihin niya ng lumapit sa table namin sila Drew, James, Jc and Mikael the hot gays-guys na kasama ko kanina sa pictorial. "Hi guys" baling nito sa mga kasama ko, tinanguan lang nila Kyle sila Drew but not Vincent he glared at them.

Tumayo ako sa pagkaka-upo at lumapit sa kanila, nakipagbeso-beso ako sa kanila. "Let's dance Ariana" - Mikael

Para sa akin si Mikael ang pinaka-hot at yummy sa kanila, gwapo pa. sayang nga eh! Oh well. Lumingon ako sa mga kasama ko, lahat sila okay lang pero syempre kontrabido alert si Vincent.

"Masyadong masikip, baka maipit ka pa dyan" gusto kong ngumiti sa sinabi niya, pero pinili kong wag na, di nila pwedeng makita na natutuwa ako sa pagiging over protective ni Vincent.

"We can protect her" - Drew said.

"Na-uh I can handle myself ... let's go guys" di ko na sila nilingon at hinila na si Drew sa dance floor kasunod yung tatlo.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now