Chapter 22 - Nice to be back!

3K 48 1
                                    

Chapter 22 - Nice to be back!

 (Ariana's POV)

   "Are you sure?" - Violet

   "Yep .. why? aren't you happy for me?" I asked her.

   Naikuwento ko na kasi sa kanya ang tungkol samen ni Vincent, kanina pa tapos ang party nila Kiel at Ryza and I decided to sleepover with Ryza and the two girls.

  "It's not like that Ariana .. magkaiba kayo ng level sa industriya he's a rock star and you are an international model ... malaking issue to at higit sa lahat how about Gray? You know that he's waiting for you to come back"

  Napag-usapan naman na namin ni Vincent ang tungkol sa pagiging public figure namin, gusto niyang isapubliko yung relasyon namin pero tumanggi ako, pinipilit niya ko pero mapilit din ako, Nasa rurok sila ng kasikatan ngayon .. dalawa sa band members niya ay lantad na ang pagkakaroon ng girlfriends baka madissapoint pati ang fans niya pag nalaman na may girlfriend na rin siya .. at ako pa! marami pa kaming dapat ayusin kesa don, lalo na ako kay Gray .. kailangan ko muna siyang maka-usap.

  Sa ngayon ayaw ko munang isipin ang mga bagay na yan,  "Poproblemahin ko na lang pag nandyan na" maiksing sagot ko.

Nagulat ako ng yakapin ako ni Violet, "I see it in your eyes how happy you are .. and by that masaya na rin ako para sayo .. remember what I told you before? See .. unti-unti ng nagiging maayos ang lahat" ginantihan ko rin ng mahigpit na yakap si Violet, kung di ko siguro siya manager, tingin ko mas naging closed pa kami hahaha.

  "Thanks Violet ... I need to go ' you know how I missed those three girls there, even if I'm always with them right?" tinanguan niya lang ako at ngumiti.

  Lumabas ako ng room namin at nadatnan ko dun si Vincent, nakasandal siya sa gilid ng pinto namin at hinihintay ako sa paglabas.

  "So dun ka talaga matutulog? Ayaw mo ba sa kama ko?" Biro niya.

  pinanliitan ko siya ng mata, "Hey sa kakasama mo ata kay Kieth nagiging manyak ka na rin Mr. Buenavista" pabiro kong sagot sa kanya, inabot ko ang kamay niyang nakalahad saken.

  Okay lang naman sigurong makipag holding hands ng ganitong oras, wala ng masyadong tao, naka-cap naman ako at nakajacket, siya naman naka-hoody. Wala naman sigurong papparazzi diba?

   Habang naglalakad kami ay pinaglalaruan lang ng mga daliri niya ang daliri ko.

  "Tss manyak agad .. sleepover po ang offer ko Ms. San-- sorry" napahinto siya sa paglalakad.

  Narinig ko yun, but I just ignore it, "It's okay Mahal ko" sabi ko ng naka-ngiti.

  Worried face na naman kasi siya, takot talagang magalit ako! Tsk-tsk .. Hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya para maramdaman niyang ayos lang kahit di naman talaga.

  Aaminin ko natamaan ako ng muntik niya ng banggitin ang dating last name ko .. pero ayokong sirain kung anong meron man kami sa mga oras na to.

  "Sorry ' just tell me what do you want and you don't want me to do .. I'll do it for you .. anything" seryosong usal niya.

 

  "What do you think of me control freak? Na-uh .. Just act as Vincent Buenavista" malapit na kami sa room number nila Yassi.

  Nagprisinta siyang ihatid ako, ng malaman niyang don ako matutulog. Huling tingin ko sa orasan ay 1:21AM, napuyat kami ngayon dahil sa costume party na yan .. bukas pa naman ang shoot ng MV nila.

  Oo nga pala di ko pa naririnig ang composed song ni Vincent na sabi nila Kyle ay para sa akin daw.

  "No .. I want you to tell me everything and anything .. baka kasi pag nagkamali ako ay magalit ka at ... u-umalis ka ulit"

  Sakto kaming huminto sa harap ng pinto nila Ryza, tumingin ako sa kanya, yan na naman siya mas naguguilty tuloy ako pag pinapakita niya sa akin kung gaano niya kaayaw akong mawala sa tabi niya.

  "Wag mo lang ulit akong saktan at di ako aalis sa tabi mo" seryosong sabi ko.

  Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko ng dalawang kamay niya, naramdaman ko na lang ang labi niya sa noo ko, "I promise I will not hurt you again Mahal ko .. goodnight"

   Niyakap ko siya saglit, "Goodnight--"

  "Hey love birds it's time to sleep now" naitulak ko si Vincent ng bumukas ang pinto at nandoon sila Ryza, Brenda at Yassi na naka-ngiti sa amin.


  "Tss Sige goodnight" aniya, and he muttered -I love you mahal ko- at naglakad na siya paalis.


  Pumasok naman ako sa loob ng kwarto nila Ryza. Nakita ko na bukas ang T.V nila at may nakasalang na movie. Meron ding snacks.

  "Movie Marathon?" Tanong ko.

  "Yep .. dapat sisimulan namin yan pagdating mo Ayababes kaya lang ang tagal mo kaya inumpisahan na namin" - Yassi.

  "Patapos na nga eh ' kaya ka pala natagalan dahil kay Vincent" mapanguyam na saad ni Brenda.

  "H-hindi sa g-ganun .. k-kinausap ko pa kasi si Vio--"

  "Hahaha you don't need to explain Aya .. we understand, It's been a long time since you and Vincent had a romantic ... err wait what do you call it .. bonding" Ryza.

  "M-mali kayo--"

  "We missed you Aya" at niyakap na nga ako ni Brenda at sumunod na din yung dalawa.

  "Ngayon ko na lang ulit nakita si Aya .. yung dating ikaw not the international model Ariana" maiyak-iyak na sabi ni Ryza.

  "Melodramatic as always Ry" asar ko sa kanya to lighten our situation.

  "I prefer Ayababes than Ariana" umiiyak naman na sabi ni Yassi.

  Haayy di na talaga sila nagbago. Pag umiyak ang isa iiyak na rin ang lahat .. Tumayo ako at tumingin sa kanila.

  "Sorry guys pero tingin ko di ko na maibabalik ang Aya noon" malungkot kong sabi sa kanila.

  Alam ko naman na maldita at masama ang ugali ng Ariana na nakilala nila, I can't blame them na mas gusto nila ako noon kesa ngayon. Pero mahirap ng baguhin ang nakasanayan.

Tumayo din si Brenda at pinatay ang useless na tv, "don't worry Aya .. you don't need to change just to please us, we love you Aya or Ariana no matter what" - Brenda

  "Yeah except the bitchy mode" - Ryza.

"I agree you're intimidating when you are Ariana" - Yassi.


  Tumawa na lang ako at humiga sa kama nila, tumabi naman sila sa akin agad. "We are happy to have you again Aya" - Ryza.


  "Thank you guys ... Good Night!"

  "Good Night!"

  "Good Night!"

  "Good Night!"


  At sabay-sabay kaming tumawa dahil sa naalala namin, yeah like the old times. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at unti-unti na akong nilamon ng antok.

 Yeah .. It's nice to be back :D

*~*~*~*~*

  Short Update !

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now