Chapter 21 - Worth The Wait

2.9K 55 0
                                    

Chapter 21 - Worth The Wait

(Vincent's POV)

   O__________O


   Tama ba yung dinig ko? Diba ako nananaginip? Siya ba talaga ang nakayapos saken ngayon?


  Unti-unti siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at binigyan ako ng isang napaka-tamis na ngiti, nagsimula na siyang umupo sa pwesto niya kanina.


  Pero ako tulala pa din, di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko pati katawan ko na-stiff dahil sa narinig ko. Di ko lang iyon basta narinig naramdaman ko pa.


  "OH- MY-GOD!!!!" Napabalikwas ako ng marinig ko ang tili nila Brenda, Yassi at Ryza.


  Then I heard her chuckled.


  "A-anong sabi mo?" Baling ko kay Aya.


  "Tss nevermind" sagot niya.


  Mabilis akong umupo sa tabi niya, "P-please sabihin mo ulit s-saken please M-mahal ko?" Hawak ko ang dalawang kamay niya habang sinasabi ko yun.


  Alam kong di ako nagkamali, pero mas gusto kong marinig ulit yun sa kanya.


  Napansin kong tutok na tutok din ang mga kaibigan namin sa amin, alam kong narinig din nila yun at nakita.


  Kung di niya man sinabi yun, naramdaman ko naman na niyakap niya ko ... na hindi niya dapat gawin kasi ayaw niyang mapalapit sa akin ng husto. I mean ayaw niyang hinahawakan ko siya, yakapin pa kaya!

  Tinignan niya ko ng seryoso, "This is the last time I repeat this to you .. so you need to listen carefully" mabilis akong tumango sa kanya "You.don't.need.to.wait Mahal ko" then she smiled at me.

   "Kyaaahh VinAya Reunited yay!" - Ryza.

   "Waaah Vincent I'm so happy for you" - Brenda.

  "Finally" - Yassi.

  "Putek na speechless si Pareng Vincent haha" - Kyle.

  "Double celebration" - Kiel.

  "After so many years" - Sky.

  Di ako nagsalita, di ko alam kung anong sasabihin ko. Sobrang saya ko! Nalunok ko na ata ang dila ko.

  Ito na ata yung sinasabi nilang Worth The Wait!

***

  (Ariana's POV)

Nagulat ako ng biglang tumayo si Vincent at tulalang naglakad papunta sa pinaggalingan ko kanina. Ni hindi siya nagsalita kahit isang word.


  "That's what you called after shocked" naka-ngiting sabi ni Ryza.


  Tumingin ako sa kanila, halata sa mukha nila kung gaano sila kasaya sa napanood nila.


  Kahit naman ako masaya, kaya lang worried dahil wala manlang siyang sinabi sa mga narinig niya mula saken.


  "Don't worry Aya, Shocked lang yun" sabay kindat ni Kiel.


  "Oo nga sundan mo na, baka sa sobrang tuwa ni Pareng Vincent e magpakalunod-- Aray myloves!" Binatukan kasi siya ni Brenda


I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon