Chapter 19 - The Proposal 2

3.1K 58 0
                                    

Chapter 19 - The Proposal 2

  (Ryza's POV)

    Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, oo may pagka-clueless pa ko ... pero may namumuong ideya naman na naglalaro sa isipan ko, ayoko man maging assuming pero di ko maiwasan lalo na sa lahat ng nakikita ko.

  Tinuon ko ulit ang paningin ko sa Aladdin na nasa harapan ko, teka? Kaya ba Aladdin ang costume niya kasi ako si Jasmine?

  Waaaahhhh ... can anyone tell me what's going on? Or can someone pinch me para malaman ko kung panaginip lang to.

  Di ko kasi keri, kanina lang iyak pa ko ng iyak dahil sa lalaking nasa harap ko tapos ngayon daig ko pang pumasok sa fairy tale world!

   "A-ano to?" Tanong ko kay Aladdin-- este kay Kiel.

  Bumaba ang tingin ko sa kanya, nakita ko ang 6 pack abs na nakalaan lang daw saken sabi niya ... bakit ang expose mo hon? Baka mapulmonya ka o kaya kabagan huhuhu :3

   Hinawakan niya ang chin ko par mapatingin ako sa kanya, sensya distracted sa abs ooppss!

  

   "Diba kanina lang nagbreak na ta--" naputol ang sasabihin ko ng ngumuti at nagsimula siya magsalita o kumanta?!

  "Nhie? .. It's been 5 years since that special day .. When I asked you on our first date .. I guess it's safe to say that" pinalitan niya pa ang Babe ng Nhie which is endearment niya for me!

You & I

Are better than Sonny & Cher

Honey & Bears

And You & I

Are better than Aladdin & Jasmine

We've made it happen singing

La la la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la la
La la la la la la la

Napatingin ako sa stage ng si Vincent na ang nagtuloy nung kanta at tumugtog na ulit sila, pati yung mga tao nakikisabay na. Pero nang matapos iyon ay tumahimik ulit ang buong paligid.

   "Let me say .. you look beautiful on our wedding day!" Di ko na napigilan pa at lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata ng siya mismo ang nagtuloy ng huling sentence sa kanta.

  Gusto kong ihampas sa kanya ang mga bulaklak na hawak ko, di dahil sa inis kundi dahil sa sobrang saya! Nagsalo-salo na talaga ang emosyon ko!

   "Alam mo ba kung ilan yan?" Tanong niya sa akin patungkol sa mga bulaklak na hawak ko, umiling lang ako bilang sagot ... "100 pieces, ganyan din kadaming dahilan kung bakit di nagwo-work ang relationship natin" napadimangot ako sa sinabi niya, "Pero hahanap at hahanap ako ng isa para lang di tayo malayo sa isa't-isa ... I want you today, tomorrow, next week and for the rest of my life" kulang na lang ay ngumawa ako at magtatalon sa sobrang saya di ko talaga ito makeri! Anong ginawa ko lord at binigyan niyo ko ng napakagwapo, mabait at mahal na mahal ako na lalaki sa buhay ko?

  Napasinghap ako at nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid namin ng iluhod ni Kiel ang kanang paa niya. "P-pwede na bang maging dahilan ang Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita?" Huminto siya at pinunasan ang tumakas na luha sa mata niya, umiiyak siya mahal niya nga talaga ako ... binuksan niya ang isang maliit na kahon at, "Para m-makasama ka habang buhay? ... Nhie? Please Marry me"

   Sunod-sunod na hiyawan at palakpakan, narinig ko pa pati ang mga kaibigan ko.

  "OO NA YAN" - Kyle

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon