Chapter 30 - Proposal Eh?

2.8K 49 0
                                    

Chapter 30 - Proposal Eh?

(Ariana's POV)

Naalimpungatan ako sa kama ng di ko na makapa ang katabi ko, una kong binuksan ang kaliwa kong mata para masilip ang kabuuan ng kwarto. Napaupo ako ng mapagtantong wala na nga dito si Vincent.

Lumingon ako sa side table niya, kung san nandun ang alarm clock niya. 8:03AM maaga pa pala! Sabi niya wala naman siyang gagawin ngayon ba't ang aga niyang gumising?

Tumayo ako at pumasok sa banyo niya dito sa kwarto niya. Napuyat kasi kami kagabi, hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako, nakaka-pagod naman kasi ang mga ginawa namin. Di ko naman kasi alam na napaka-husay pala nitong si Vincent, special talent? Tinuruan niya ko pero di ko pa rin makuha ng maayos, kasi nga first timer lang ako. Ang sakit tuloy ng mga hita ko -____- sa susunod nga ay magpa-practice akong mag-isa ... alam niyo na para di na niya ako pagtawanan!

Kagabi kasi napuno ako ng kantyaw niya, nagyaya kasi siya na maglaro kami ng baraha, tong-its ata tawag sa laro na yun .. tinuruan niya nga ako pero malamang matatalo niya pa din ako, kaya ayun ang consequence squat ng 5 minutes ... ang sakit tuloy ng hita ko -______- tumigil lang kami sa paglalaro, baka daw kasi mapikon ako at umiyak na naman.

Na-dissapoint ko ba yung expectation niyo?! Well kasalanan niyo yan! Mga pervs -____^

Nang matapos ko ang routine ko sa banyo ay lumabas na din ako agad.

Suot ko ngayon ang Gray na V-neck shirt ni Vincent, suot ko pa rin kasi hanggang ngayon ang ombre short ko kahapon ng umuwi kami sa Manila, di ko kasi naisipan na magdala ng damit manlang dahil sa inis ko kay Gray -_____-

Pagkabukas ko ng pinto ay naka-amoy agad ako ng ginigisang bawang. Lumabas ako hanggang sa living room, nakita ko agad si Vincent sa kusina, nakatalikod siya sa direksyon ko, mukhang nagluluto.

Aba naka-apron pa hahaha, kahit nakatalikod ang gwapo pa rin tignan. Nakita kong inangat niya ang spatula na hawak at pinanghalo sa kawaling nakasalang sa kalan.

Tahimik akong lumapit sa kanya, at agad kong pinulupot ang dalawang braso ko sa bewang niya, "hmmm ang bango" bulong ko sa kanya.

I heard him chuckled, "Ako o yung niluluto ko?"

"Pwede both?"

"Hahaha, kala ko yung niluluto ko lang ... Good Morning Mahal ko" sabi niya ng di pa rin lumilingon.

Tumingkayad ako para madampian siya ng halik sa pisngi, "Morning Mahal ko"

"Umupo ka na, matatapos na ko dito at kakain na tayo" utos niya, kaya sumunod na ko, napansin kong wala pang mga plato sa lamesa kaya ako na mismo ang kumuha ng dalawang plato, kutsara't tinidor, pati baso. "You'll going to eat this Mahal ko, bawal ang diet ngayon"

Napailing na lang ako sa sinabi niya, tss tataba talaga ako pag siya ang kasama ko -_____-

Saktong pagkaupo ko ay siya namang tapos ng niluluto niya, inilagay niya na ang mga niluto sa lamesa. Wow! Merong caldereta na di ganung kadami, siguro dahil kaming dalawa lang naman ang kakain, meron ding pang breakfast talaga like hotdog, egg, bacon at sinangag!

Nakakahiya tuloy, siya marunong magluto samantalang ako di siya mapagluto ... kaya ko naman mag prito ng egg, hotdog .. kaya lang laging sunog. Pag bacon naman ang ita-try kong iprito halos wala ng makain, bukod kasi sa lumiliit yun pag priniprito ay tumatalsik pa ang mantika kaya naman pinababayaan ko na lang masunog hanggang sa mapatay ko na sa kalan.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now