Chapter 32 - Photos

2.6K 46 0
                                    

Chapter 32 - Photos

(Kiel's POV)

"May bagong kumakalat na picture nila Gray at Aya" bungad samin ni Kyle.

Nandito kami sa Music Room kasama ang buong barkada except kay Aya. Kwento ni Vincent magkasama lang daw sila ni Aya kanina at sa unit daw niya ito natulog. Dahil ginagamit nung Gray ang condo ni Aya.

Grabe din ang kano na yun eh, masyadong possesive kay Aya dinaig pa ang pagiging possesive ni Vincent.

Umupo si Kyle sa tabi ni Nhie at kinuha ang laptop na ginagamit nito. Kakadating lang kasi nila Kyle at Sky bumili sila ng makakain namin, sa isang drive-thru.

"Bastos mo, pwede namang manghiram ng maayos" inis na asik ng fiance ko kay Kyle.

Napailing na lang ako ng dilaan lang ni Kyle si Ryza, hinatak ko na lang si Ryza at pinaupo sa tabi ko.

"Ise-search ko lang ang latest picture nila Aya at nung color boy Gray na yun!" - Kyle.

"Insecure" bulong nitong fiance ko.

"San mo naman nalaman yan Kyle?" Tanong ni Vincent at tumabi pa kay Kyle.

"Narinig namin don sa mga nag-served ng in-order namin kanina .. pinag-uusapan nila yung relasyon daw nila Aya at Gray" paliwanag ni Sky.

Naging seryoso naman agad ang mukha ni Vincent sa narinig. Ang hirap talaga ng sitwasyon nila. Yung girlfriend mo ay kini-claim na girlfriend ng iba at ang malala pa maraming may gusto kila Aya at Gray sa relasyon kuno nila.

"Baka naman chismis lang" sabat ni Kieth, "bumunot ka na Yas" naglalaro kasi sila ng baraha dito, silang tatlo nila Yassi, Brenda at Kieth.

"Kaya nga Vincent ... wag ka agad high blood!" - Brenda.

Di sila pinansin ni Vincent, tutok pa rin ito sa laptop na hawak ni Kyle. "Oh sila talaga yan diba?" - Kyle habang tinuturo ang litrato sa screen. Sabay-sabay kaming lumapit sa kanila maging yung mga naglalaro ng baraha ay tumigil para makitingin.

Makikita sa picture ang babae at lalaki, pareho silang naka-yuko, nakasuot ng aviator shades at cap, halatang umiiwas sila sa mga taong nasa mall .. Makikita rin sa litrato na naka-hawak kamay sila habang naglalakad.

"Ano kayang ginagawa nila dyan?" - Yassi.

"Baka nagde-date" walang kwentang ideya ni Kieth, binatukan lang siya ni Brenda.

"Naku Vincent halata namang si Gray mismo ang humahawak ng kamay ni Aya eh .. tignan mo" - Brenda.

"Kahit naman kasi di sila sikat na mga modelo, mapapatingin ka talaga sa kanila, ang ganda at gwapo naman kasi nilang dalawa ... bagay na baga--" agad kong tinakpan ang bibig ni Ryza.

Nakita naming tumayo si Vincent at kinuha ang cellphone na nakapatong sa center table. "Don't conclude cent" sabi ko.

Ngumiti lang siya, "I trust her" dumiretso siya sa kusina, mukhang tatawagan niya si Aya.

"Nhie naman bat mo sinabi yun?" Sabi ko kay Ryza ng tanggalin ko na ang kamay ko sa bibig niya.

Nag piece sign siya, "Sorry naman ... tignan mo naman kasi diba, parang ang perfect nila .. pero syempre team VinAya pa rin ako!" Yan na naman siya sa Team VinAya na yan, gumawa na rin nga si Brenda ng Team GrayAna daw ... pinagsamang Ariana at Gray, minsan talaga di rin sila nakakatulong.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon