Chapter 68 - AYA & VINCENT

4K 64 0
                                    

Chapter 68 - AYA & VINCENT

(Vincent's POV)

Lumingon ako sa paligid, hinayaan ko lang ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko, wala akong pakielam kung may makakita man sa aking ibang tao na umiiyak, ano pa bang mawawala, halos umiyak na ko sa libo-libong tao kanina!

Hinanap ko siya gamit ang mata ko, ngunit di ko siya makita kahit saan, napadako ulit ang tingin ko sa litratong hawak ko! Picture iyon ni Aya ... Si Aya na nanonood ng concert namin kanina, nakangiti siya sa litrato habang tinuturo ako sa stage.

Totoo ba to? O edited lang? Pinagttripan ba ako ng ilang sa nanood kanina kasi alam nila ang tungkol sa amin ni Aya?! Tangina naguguluhan na ko, nabuhay yung pag-asa sa puso ko na baka nga di siya umalis, na baka nandun nga siya sa Araneta kanina at pinapanood ako, pero di ko pa rin maiwasang magduda, madali na lang madaya ang litrato at ano naman ang gagawin ni Aya dun? Nasa New York na siya ng mga oras na to, kasama si Gray!

Umupo ako sa bench na nakita ko, inilapag ko ang lahat ng litratong nakuha ko sa mga weird na masscot na yun, pinunasan ko ang mga mata ko at napabuntong hininga, This day is very tiring, I feel so exhausted ... Then this ... dumagdag pa ang mga prank na to! How can I deal with this pictures? with those words? What is the meaning of those words? Who is the person behind this prank o whatever it is!?

Napaangat ako ng ulo ng bigla na lang may tunog akong narinig, tumingin ako sa poste ng ilaw kung saan may maliit na speaker.

[Now Playing: Biting your lips By Esna .. English Version!]

♪ I secretly bite my lower lip and softly close my eyes

I try to hide the fluttering feeling that fills my body

It tickles for some reason when I think of you.

I start to talk to myself

Give me a perfect day, oh

Agad akong napatayo ng narinig ang boses niya, nakapikit o nakadilat alam na alam ko kung kaninong boses yun! Tumakbo ako sa isang booth ng pagkain at tinanong ang nagbabantay doon, tila nagulat siya ng makita ako.

"San galing yung kanta?!" tanong ko.

"V-Vincent? -- S-sa office p-po yan m-mismo ng Enchanted K-kingdom!" nauutal na sagot niya.

"San yun? Saan ang office?!" kailangan ko siyang makita, di ko alam kung pinaglalaruan lang ako o ano pero masyado ng malayo ang larong ito, kaya mas magandang tapusin ko na!

"D-di ko po a-alam, walang nakaka-alam sa mga tindera dito!" agad akong tumakbo, masyadong malaki ang E.K, paano ko malalaman kung saan ang main office dito?!

Napahinto ako ng makita ko ang malaking T.V na gumagana ... May pini-play itong words, agad akong lumapit para mas mabasa ko iyon maigi.

"Ferris Wheel ... Fireworks!" basa ko, nagkaroon ako ng kutob na baka nandoon siya, naalala ko ng pumunta ako dito kasama siya ay sumakay kaming ferris wheel para manuod ng fireworks display.

Pagkarating ko doon ay agad akong pinagbuksan ng nagbabantay, pinapasok niya ko sa isang galamay ng ferris wheel, nakita ko na sumakay din sila Kiel kasama si Ryza, Brenda with Kyle, Yassi and Sky. Nakangiting nakatingin sila sa akin, kumakaway si Kyle samantalang pini-picturan naman ako ni Sky! San sila galing? Kanina ko pa sila hinahanap dito ko lang pala sila makikita?! Tsaka Nasan si Kieth?!

♪I'll stay, by your side I already revealed half of my heart

A day where you can have high hopes will come

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now