Chapter 58 - Reconciled

2.5K 50 0
                                    

Chapter 58 - Reconciled

    (3rd Person's POV)

     "Ariana you need to eat" halos magmakaawa na si Gray para lang kumain si Ariana, simula ng i-announce ni Gray ang kasal nila ni Ariana ay naging tahimik na ito, hindi masyadong kumakain, hindi gaano nakaka-usap at kahit gabi-gabi ay naririnig niya ang paghikbi nito.

  

   Sa unit na siya mismo ni Ariana nakatira, dahil delikado para dito ang mapag-isa lalo pa nga't buntis ito sa anak nito kay Vincent, sa totoo lang ay sobra ding nasasaktan si Gray, di niya akalain na sa pagiging selfish niya ay kakarmahin siya, karma niya ang anak ni Ariana kay Vincent, di naman kasi niya alam na nagawa na ni Ariana ito kay Vincent at magbubunga iyon, kung nalaman niya lang ng mas maaga ay di niya na sana tinuloy pa ang ginawa niyang pagpapahiwalay sa dalawa ... Mahal niya si Ariana ngunit kung magiging ganito naman ito kamiserable sa puder niya ay mas gugustuhin niya pang pakawalan na lamang ito para lang maging masaya.

  "I'm not hungry Gray" walang ganang sambit ni Ariana, di niya alam kung bakit ngunit wala talaga siyang ganang kumain, kung siya lang ay mas gugustuhin niyang wag na lang kumain at kumilos, mas gusto niyang lagi na lang humiga, ngunit dahil sa batang nasinapupunan niya ay napipilitan siyang kumain kahit konti manlang.

  "You're pregnant, even if you're not hungry you need to eat, don't be so selfish Ariana, think about your child!" pagkatapos nun ay umalis na si Gray, iniwan lang nito sa lamesa ang mga pagkain na dapat kainin ni Ariana.

   Napabuntong hininga na lamang si Ariana, nahihiya siya kay Gray dahil ito ang nagsa-suffer sa katigasan ng ulo niya, isa din si Gray sa dahilan kung bakit gusto niyang ipagpatuloy ang mabuhay, malaki ang utang na loob niya dito, ito na lang ang laging nandyan para sa kanya, tinanggap pa din siya nito kahit may extra baggage na siya!

   Tumayo siya sa higaan at humarap sa malaking salamin, inangat niya ang t-shirt na suot hanggang sa ibabang dibdib niya. Hinaplos niya ang maliit niya pang tyan, hindi pa naman ito umuumbok kaya di mo pa mahahalata ang pinagbubuntis niya.

  "It's not bumpy" napalingon siya sa may pinto ng makitang nakatayo doon si Violet hawak ang isang supot, "I brought some chocolates" nakangiting sabi nito sa kanya, agad niyang binaba ang damit at lumapit kay Violet sabay kuha ng dala nitong mga tsokolate.

   "Thanks" masiglang sambit ni Ariana, chocolate kasi ang isa sa mga pinaglalawayan niya ngayon, dati naman ay di niya hilig ang pagkain nito lalo pa nga't nakakataba ang tsokolate.

   "Gray told me that you haven't eat anything, kumain ka kaya muna Ariana" suway ni Violet sa kanya, kahit naman may mga bagay silang di pinagkakaunawaan ni Ariana ay napaka-importante pa rin nito para kay Violet, she is her little sister ... Imbis na magalit sa lahat ng issue at problemang kinasasangkutan ng alaga ay mas naunawaan niya ito, malungkot siya para sa kinalabasan ng relasyon ni Ariana kay Vincent ngunit nandyan pa din siya para sa alaga.

Napahinto si Ariana sa pagsubo ng tsokolate ng makitang naka-titig sa kanya si Violet, malungkot itong pinapanood siya sa ginagawa, napabuntong hininga si Ariana at ibinaba ang tsokolateng hawak-hawak.

  "Oh ba't ka tumigil?" puna sa kanya ni Violet.

  She stared at her manager, "I guess your dissapointed to me right? I'm such a dissapointment" malungkot na sambit nito sa manager.

   Para namang hinaplos ang puso ni Violet, agad niyang hinawakan sa magkabilang balikat si Ariana, "You know what, you're not! Yeah you are a hard headed girl ... you always do what you want, but one thing is for sure, you are not a dissapointment to me and you will never be" she paused, di naman naiwasan ni Ariana ang mapaluha, ganito ata pag buntis masyadong emotional na isip niya, tumawa si Violet at pinahid ang mga luha sa mata ni Ariana, "You're a strong woman Ariana, like I used to say, Everything will be alright .. just stay strong not just for yourself but also for your baby" then she hugged Ariana, gumanti naman ng yakap si Ariana. Kahit maraming problema ang dumadating sa kanya ay naisip niya na bless pa rin siya, dahil nasa tabi niya si Gray at si Violet na lagi siyang sinusuportahan at ang pinaka-mahalaga ang baby niya.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon