Chapter 17 - Costume Party?

2.9K 49 0
                                    

Chapter 17 - Costume Party?

  (Kiel's POV)

  Wala na! Sira na lahat! Minsan na lang gumawa ng surprise sa kanya ganito pa yung kinalabasan! Argh bwiset!

  "Kiel If i were you itutuloy ko pa rin to" Kyle.

  Sinamaan ko siya ng tingin, paano? Kung di ko rin naman siya mapapapunta at worse kung pumunta man siya ay tanggihan niya yung gagawin ko!

   "Paano ko gagawin yun, nakipag-break na nga siya diba!" Sabay hilamos ko ng dalawang palad ko.

  Nandito kami sa place kung san hinahanda, ang surprise ko kay Ryza, ito din yung balak kong puntahan kanina ng makita ko si Ryza sa kwarto namin. Sabi kasi ni Babes yung organizer na may konting problema, baka di daw magawa sa time limit. Nang makapunta ako dito ayos na ang lahat actually pwede ng gawin yung plano. Pero useless na kasi wala na siya ... she broke up with me and were over!

  "It's better if you try it ... before you gave up ... after this then explain to her what she thinks about you, whatever results is at least you tried" Aya then she smiled at me. Hay bakit ba ganyan tong babaeng to minsan mabait samen at madalas mataray!

  "I agree" taas kamay ni Yassi.

  "Me too" sinundan ni Brenda.

  Napatingin ako sa tabi ko na si Sky pinat niya yung balikat ko at ngumiti na sinasabing kaya mo yan!

  "Gawin mo to habang free pa ang sched naten, tsaka wag mong sayangin ang limang taon dahil lang sa misunderstanding" Alam ko ang ibig sabihin ni Vincent, ayaw niyang matulad ako sa kanya, sa kanila ni Aya.

  Tumayo ako at nagbuga ng hangin, tama kailangan ko tong gawin kahit ano pang kalabasan. Ayokong magsisisi kung mawawala man sa akin si Ryza! Tae Baliw ako dun eh!

  "Goodluck Kiel ... Pero paano kung humindi?"

  "KIETH!" Sabay sabay na sigaw nila kay Kieth.

  Gago talaga, okay na ko eh' bumalik ulit tuloy yung kaba!

  Haaayyyy bahala na nga .. It's now or never! And I don't take NO for the answer!

  ***

   (Ryza's POV)

   Naalimpungatan ako sa higaan, dahil napaginipan ko na nalalaglag daw ako!

  Tumingin ako sa paligid, napansin ko sa glass door sa veranda na madilim na sa labas.

  Teka! Anong oras na ba? Umupo ako sa kama at kinuha ang phone ko sa bedside table. And it says that it's 7:23PM. Napahaba pala ang tulog ko dahil sa kakaiyak!

  Naalala ko na naman tuloy ang Kiel na yun, Naku wag lang talagang magpapakita sa akin ang Babes niya kundi kakalbuhin ko ... oo na ako na bitter, ano naman!? Five years yun malamang sa malamang di ko tanggap na sa ganun na lang matatapos ang love story namin! Pero ano pa nga bang magagawa ko kundi magpaka-bitter na lang!

   Haaayy ano bang pwede gawin? Mag-bar na lang kaya ako at uminom non-stop ... malay niyo makakita ako ng mas gwapo kay Kiel at para maipamukha sa kanya na di lang bwiset as if naman na kaya ko yun!!!

  Tumayo na lang ako sa higaan at balak ko sanang maligo, nang mapansin ko ang isang costume sa ibabaw ng upuan sa harap ng salamin.

  Nilapitan ko yun at nakita ko ang isang note.

  Ry :)

  Wag kang magmukmok dyan, suotin mo to at magpaganda ka girl .. may costume party dito sa beach at swear mag eenjoy ka. Bilisan mo hihintayin ka namin! Let's parteeeey :)

-Brenda

Tss di pa pala nila alam na nag-break na kami ni Kiel, bwiset na yun di niya ba sinabi kila Aya!

  Tinatamad ako, gusto kong uminom ... tinignan ko ulit yung costume ... costume ito ni Jasmine ng Alladin .. katulad sa original na costume ni Jasmin ay kita rin ang tyan dito, pati off shoulder din siya at kulay sky blue. May gold accesories pa ito ... Nakakita rin ako ng flats sa ilalim ng upuan na kapareho ng kulay, parang terno talaga sila!

  Siguro naman mag-eenjoy ako dun diba? Tsaka malay ko ba kung may alak dun, katulad nga ng sabi sa note ni Brenda parteeeeey daw ... so it means liquior's allowed ... Sige na nga patulan .. libre alak din yun at baka dun ko na ma-meet ang ipapagpalit ko kay Kiel!

   Pumasok ako agad sa banyo at naligo, inabot ako ng 10 minutes sa banyo. Nang makalabas ay nagpunas agad ako ng katawan at nag bathrobe muna.

  Humarap ako sa salamin, naglagay ako ng concealer para matakpan ang pagka-haggardness ng mukha ko, then after that foundation naman na tama lang sa color skin ko. Naglagay ako ng eyebrow liner at eye shadow to emphasize my beautiful eyes ... inisip ko talaga yung make-up ni Jasmine. Naglagay ako ng liquid eyeliner at pink lipstick ... then blush on! Nang matapos ko ang make-up sa mukha at masatisfy sa naging result. Pinagtuunan ko naman ng pansin ang buhok ko, brinaid ko lang ang buong buhok ko patagilid at kinuha ang cute na headband ko na may maliliit na diamond na design.

  Tumayo ako at tinignan mabuti ang ginawa ko sa sarili, napangiti ako ng malawak kasi naman ang GANDA-GANDA KO! Tss magsisisi ka Kiel dahil pinagpalit mo ko sa biek na Babes mo!

  Sinuot ko na ang costume ko, accesories at flats ko. Tumingin ulit ako sa salamin! Umalis na ako sa harap nun at baka di ko mapigilan pati sarili ko maging crush ko na! Pagbigyan broken hearted :v

  Nag-selfie pa ako at lumabas na sa kwarto namin dala lang ang cellphone at wallet ko.

   Naglalakad pa lang ako pababa, pinagtitinginan na ko. Lumakad pa ako at natanaw ko na ang mga tao sa beach na naka-costume din ng iba't-ibang characters ... pero pansin ko lang bakit parang lahat ay sa disney ... I mean walang anime?! Ang baduy naman puro pang Fairy Tales!

  Habang naglalakad ako siya naman ding tingin ng mga tao sa akin, well di na ko magtataka alam ko naman kasing dahil sa ganda ko yun ... mas lalo tuloy tumataas ang confidence ko, kailangang makita ako ni Kiel at ng malaman niya kung anong sinayang niya!

  Naglakad pa ako at nagulat ako ng biglang huminto yung mga tao dito sa beach ... hinto talaga as in! Yung kala mo e naglalaro ng stop dance! Anyare?!

  Huminto rin ako sa paglalakad, pero nung humakbang ako humakbang din sila.

  Ano ba to? Trip nila ako?! Nakita ko si Peter Pan na nasa tabi ko, yun kasi ang costume niya.

  "Ahmm .. Kuya anong meron? May stop dance ba?" Tanong ko, pero di niya ko sinagot at nakatigil pa rin siya, nakataas ang mga kamay at walang kurap-kurap!

  Baka kasi may stop dance at require pala talaga yun dito sa costume beach party at madisqualified agad ako, sayang ang libreng alak! Haayy naging single lang naging patay alak na -_____-

  Pero wala naman sinabi sa akin sila Brenda, Teka nasan nga ba yung mga yun?! Sinubukan kong humakbang at laking gulat ko ng humakbang din yung mga tao sa gilid, unahan at likod ko.

   Sinubukan ko ulit humakbang at ganun din ginawa nila, Napagtripan pa ata ako ha :3

   Huminto ako at sinamaan ng tingin si Peter Pan at Red Riding Hood. "Wala akong panahon makipaglokohan sa inyo ha!" Sabay lakad paalis, naglakad din sila at sinusundan ako.

  Pero nagulat ulit ako ng hinarangan ako ng sampung tao, limang babae at limang lalake, alternative ang pwesto. Iba't-ibang costume din ang suot nila. Nilagay ko ulit ang dalawang kamay ko sa bewang at tinaasan sila ng kilay.

  Automatic naman ng makarinig ako ng music, sobrang lakas at biglang sumayaw yung sampo sa harapan ko.

  Okay this is  sooo Weird ... but what the! For Pete's Sake Broken Hearted ako at wala akong panahon sa mga kalokohan na to! If there is someone who can explain what is happening right now ... then please show up and tell me what's going on!!!

 

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now