Chapter 36 - Fashion Show Event

2.3K 52 0
                                    

Chapter 36 - Fashion Show Event

(3rd Person's POV)

Fashion Show Events (Disgners Wannabe)

Marami na ang mga tao sa loob mismo ng event hall, kahit di pa nagsisimula. May mga ilang kilala na sa industriya ng fashion design ang naroon ... Ito kasi ang event kung saan ila-launch ang mga likha ng ilan sa mga baguhang designer sa Pilipinas, sampu ang designers na magpapakita ng kanilang mga likha .. bawat isa sa kanila ay todo hakot sa mga kilalang modelo.

Marami naman naiinggit na kapwa designer kay Luna Sy, dahil siya ang nakakuha kila Ariana De Veyra at Gray Yamsuan upang magsuot sa mga nilikha niyang mga damit. Naisip kasi ni Luna na ang dalawang modelo na iyon ang pinaka-sikat at kilalang pangalan sa industriya ngayon. Kaya magiging malaki ang advantage niya sa mga kasabayang designers!

"Kahit mga baguhan tingin ko magaganda ang mga damit nila" komento ni Ryza ng makapasok sa mismong ginaganapan ng event.

Kasama niya ang mga barkada, ang apat na miyembro ng The Time, na sila Kieth, Kiel, Kyle at Vincent ' pati na rin sila Brenda, Yassi at ang boyfriend nitong si Sky. Buo ang suporta nila sa kaibigang si Ariana.

"Pwede akong makakuha ng mga damit dito na pwede kong ibenta sa shop ko" nae-excite na sabi ni Brenda.

Di na kinailangan pang mag-disguise o magtago ng buong banda ng The Time sa media man o maging sa mga tao dahil di lang naman sila ang mga celebrity na pumunta sa nasabing event.

Ang binigay na passes ni Ariana sa kanila ay sa unahan mismo ang upuan, kaya malinaw na makikita nila ang lahat na dadaan sa runway. Dalawa ang runway stage, sa magkabilang gilid ito at sa gitna noon ay nag mistulang pool. May mga ilang mamahaling chandelier din ang naka-sabit sa taas, sa dulo naman ng runway ay isang malaking projector, doon ipapakita ang mga uri ng damit ang gawa ng isang designer ... Isa iyon sa nagpaganda sa stage. Ginastusan talaga ang event na yun ng ilang kilalang fashion company.

Marami din ang taga-media na nakakalat, hinihingi ang opinyon ng mga kilalang designers.

"Nakuha daw ni Luna ang model couple ha ... sina Ariana at Gray, panigurado ang mga damit ni Luna ang pag-uusapan"

"Yeah right, sinabi sa akin na sobrang laki daw talaga ng offer ni Luna kaya niya nakuha sila Ariana at Gray"

"What do we expect, maraming designer ang nag-offer ... so she do what she needs to do, afford niya naman eh ... bawi din siya pag sumikat ang mga damit niya"

Ilan lang yan sa mga naririnig nila Brenda at ng mga kaibigan sa mga pinag-uusapan ng mga tao dito sa event. Hinihintay na lang nilang magsimula iyon.

Di naman maiwasan ni Vincent na mairita sa mga taong iniisip na may relasyon nga ang girlfriend niya kay Gray, alam niya na kasalanan ni Gray ang lahat, naiinis din siya sa sarili dahil wala siyang magawa, para baguhin iyon, dahil ayaw pa rin namang pumayag ni Ariana na isa-publiko ang relasyon nila, lalo pa nga't inamin ni Gray na meron silang relasyon ni Ariana ... mas magiging panget ang tingin ng ibang tao kay Ariana pag nagkataon at ayaw naman niyang mangyari iyon.

"Ngayon lang ako makaka-panood ng live na fashion show, matagal pa ba?" Inip na tanong ni Sky.

"Ako din naman ngayon lang eh, concert ng mga idol ko lang ang pinanonood ko" - Kyle.

"Tss bakit ba di siya nagre-reply" reklamo ni Vincent, ilang beses niya ng pinadalhan ng message si Ariana ngunit di pa rin siya nakaka-kuha ng reply mula sa girlfriend.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now