Chapter 1 - 5 Years Later ♨

9.8K 103 0
                                    

(AN) - Sa mga di pa nakakabasa ng "Book1- I Wanna Make You MINE" nito please lang wag niyo po muna itong basahin dahil di niyo din mage-gets ! Kung gusto niyo po mabasa ang Book 1 punta kayo sa wall ko sa wattpad thanks :)

   Ang name na po dito ni Aya is Ariana kaya Ariana na rin po ang nakalagay sa Point Of View niya.

  Enjoy Reading Aha !?

  ______________________

  Chapter 1 - (5 years later)

  (Ariana's POV)

   5 Years Later !!!

 

  May mga bagay na nahihilom ng panahon pero meron ding bagay na kahit sa mahabang panahon nakatatak pa din at hindi mo na mababago pa.

  "Ariana, di mo na naman pinuntahan yung pictorial na nakalagay sa sched. mo?!" pasigaw na tanong sa akin ng Manager ko na si Violet Tan, kaibigan ko rin siya ' isa siyang Chinoy ' half pinoy half chinese kaya wag na kayong magtaka kung bakit nagtatagalog kami kasi bukod sa di nga fluent sa english si Author, tagalog din talaga ang salitang ginagamit namin pag nag-uusap kami ni Violet.

  Di ko na lang siya pinansin at sa halip ay tuloy-tuloy lang na humiga dito sa bed ko dahil balak ko sanang matulog, ipinikit ko na lang ang mata ko.

  Pero naririnig ko pa din ang sermon ng Manager ko. "My God, Ariana ' alam ko na super sikat na model ka na dito sa New York or hindi lang dito sa New york around the asia din, pero please wag mo namang hayaan na mawala na lang yun agad, dahil sa inaasal mo" you heard her right, katulad nga ng paglipas ng panahon marami ng nagbago. Lalo na nang makatung-tong ako dito sa New York City.

  Sa pagdating ko dito sa New York, maraming nagbago, marami akong nakilala, marami akong naranasan, hirap at saya kahit papano.

  5 years na rin ang lumipas simula ng umalis ako sa Pilipinas kung saan naging misirable ang buhay ko.

   Wala sa plano ang pagiging model ko, wala sa plano na sumikat ako at higit sa lahat wala sa plano na mabuhay pa ako.

  Yeah ' Mabuhay ! wala yun sa plano dahil sino nga bang gugustuhin pang mabuhay kung wala na sayo ang lahat, kung lahat iniwan ka na, kung lahat sinaktan ka! Kala ko pag-alis ko sa pilipinas mawawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko pero di pa ako nakaka-tagal dito sa New York, sumuko na agad ako.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now