Chapter 46 - The Father

2.4K 54 0
                                    

Chapter 46 - The Father

Warning: Ang mga susunod na eksena at chapters ay masyadong madrama, ang ayaw sa iyakan alis na! >o< !Hahaha :) Enjoy Reading ^O^

   (3rd Person's POV)

     Saktong alasais ng gabi nakarating si Ariana sa nasabing Italian Restuarant, niyaya kasi siya ng mga kaibigan na kumain sa labas, di na naman nagdalawang isip pa si Ariana, tinapos niya lang ang trabaho ng araw na iyon at dumiretso na sa meeting place.

   Pagkababa sa kanyang kotse ay namataan niya agad ang kanyang fiance na si Vincent, hinihintay siya nito. Wala naman silang paki sa mga tao na makakakita sa kanila dahil ang tinatayuan ng Italian Resto na yun ay isang liblib na lugar, masyadong malayo sa kabihasnan, sa gayun di sila nangangamba na makita sila in person na magkasama.

   Di alam ni Vincent kung ano ang ibibigay na reaksyon sa Fiance, bukod sa kinakabahan siya ay di niya rin alam kung ano ang magiging reaksyon ni Ariana.

   Nang makalapit si Ariana sa Fiance ay nagtataka niya itong tinitigan, "You looked so ... tensed" komento niya sa fiance.

  Mas lalo namang nakaramdam ng kaba si Vincent, di niya akalain na sa mga oras pa na ito siya magiging transparent sa feelings niya. He didn't know that his nervousness is visible to his face!

  Argh Calm down Vincent, magtataka siya sa kinikilos mo!? pagalit niya sa sarili.

  He inhaled and exhaled two times before he gave Ariana a peck on her lips. "How's your day M-Mahal ko?" pag-iiba niya sa sinabi nito.

  Nagtataka man sa  ikinikilos ni Vincent ay nginitian niya na lamang ito at humawak na rin sa kamay ng Fiance, "It's great, I'm having fun on our photo shoot, how about you?" ganting tanong niya dito.

  Lalong dumagdag ang kaba ni Vincent, sa isip niya ay mukhang maganda at masaya ang araw ng fiance niya at sisirain nila ito ngayong gabi!

   "S-same" di naitago ni Vincent ang pagkautal, kumunot lang ang noo ni Ariana, di na lamang pinuna ang ikinikilos ng fiance niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

  Sa kabilang banda ay kinakabahan na rin ang kanilang mga kaibigan, Si Kiel ay mahigpit lang na hawak ang kamay ng fiance, si Kyle naman ay masyado na rin visible ang kaba sa mukha, samantalang ang girlfriend na si Brenda ay tahimik lanng na umiinom ng Ice tea, Nakayuko naman si Kieth na pinaglalaruan ang mga daliri at maya't-maya ang tingin sa orasan, nag-oobserve lang naman sila Yassi at Sky.

   Napatingin si Kieth sa katabi nilang lamesa, wala pa din kasi ang hinihintay nila bukod kila Ariana .. Wala pa ang importanteng tao na bubuo ng mas pinakaba nilang puso.

  "Argh I feel like I'm going to die!" reklamo ni Kieth.

  "Yeah right, ako ang papatay sayo pagkatapos nito .. dinamay mo pa kami sa kabang mangyayare!" inis na sambit ni Kyle kay Kieth.

   Tikom lang ang bibig ng iba, si Ryza na maingay ay tinablan ng kaba kaya di magawang makapagsalita!

   Natanaw na ni Ariana ang mga kaibigan, sa malayo pa lang ay nakikita niya na ang mga ginagawa ng mga ito at tulad ng kay Vincent ay weird din ang mga kinikilos ng mga kaibigan niya.

   Seriously ... They looked so weird! sabi ng isang bahagi ng isip ni Ariana.

 

   Nang makalapit si Ariana at Vincent sa pwesto nila Kiel ay agad namang nagtayuan ang mga kaibigan na ikinakunot na naman ng noo ni Ariana.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon