Chapter 53 - Happy Birthday Vincent T_T

2.6K 52 4
                                    

Chapter 53 - Happy Birthday Vincent T_T

    (3rd Person's POV)

      Nagising si Vincent sa maingay na narinig, nakita niya agad ang mga tulalang kaibigan at si Ariana sa tapat ng pinto ng kwarto niya, napabalikwas siya ng makita ang babaeng nagkukusot ng mata sa tabi niya.

    "What the fvck are you doing here?" gulat na tanong niya, ngunit di siya pinansin nito, bagkus ay tumayo lamang ito na panty at bra lang ang suot, pinanuod niya itong kunin lahat ng damit nito sa sahig at magbihis mismo sa harap niya at ng mga kaibigan. Napatingin siya sa pinto, kay Ariana to be exact!

   Tulala lang ito habang ang kamay ay naka-hang pa sa ere na tila ay may hinahawakan, dun niya lang napansin ang cake na sira sa sahig ng pintuan niya.

    "V-Vincent" narinig niya si Ryza, nang matapos magbihis ang babae na nakilala niya bilang si Selena ay agad itong umalis sa unit niya ng walang paalam na parang walang nangyare!

   Masakit pa ang ulo ni Vincent, di niya alam kung ano ang nangyare kagabe at kung bakit katabi niya na ang babaeng iyon sa kama niya, ngunit imbis na magpaliwanag ay tumayo lang siya, suot pa niya ang boxer shorts niya at pumasok sa banyo, wala siyang pakielam kung makita man ni Ariana yun, naisip ni Vincent na mas maganda na makita ni Ariana ang lahat ng masaktan din ito tulad ng nararamdaman niya ng mga oras na ito!

   Nang makalabas ng banyo ay ganun pa din ang pwesto ni Ariana at ng mga kaibigan, tahimik lang itong nakamasid sa kanya.

   Nahawakan naman agad ni Kieth ang braso ni Ariana ng muntikan na itong mawalan ng panimbang. Iginilid nila ang tulalang si Ariana, samantalang dinaanan lang sila ng walang pakielam na si Vincent.

   "Vincent ano to!" sigaw ni Kiel kay Vincent.

   "Anong ano to?" walang gana lang nitong tanong.

   "Fvck you ... nandito si Ariana tapos ganyan lang ang isasagot mo!" di na naiwasan pa ni Kieth ang emosyon niya hawak niya pa din ang tulala ngunit nanginginig na si Ariana.

   Sila Yassi, Brenda at Ryza ay agad na pumunta sa kaibigang si Ariana para umalalay, nagulat sila ng mahawakan ito dahil kahit walang emosyong ipinapakita ang kaibigan nila ay nanginginig naman ito ng husto, maging ang paghinga ni Ariana ay di na normal sa pag taas-baba.

    "Kung nandito kayo para sermunan ako, umalis na lang kayo!" inis na sabi lang ni Vincent, naisipan pa nitong tikman ang lumpia na nakahanda sa mesa niya, di pa siya nakaka-subo ng may lumipad ng kamao sa pisngi nito, "Fvck Kyle what's your problem!" asik nito sa kaibigan.

   "Ikaw! Anong problema mo Vincent!" galit na tanong ni Kyle sa kaibigan, sa galit ay hindi niya na tinawag pa itong Pareng Vincent. "Di mo na nirespeto si Aya, tarantado ka talaga Vincent!"

   Natawa si Vincent sa narinig, "Tss respeto? sino siya" turo ni Vincent sa tulala pa ring si Ariana. "Bakit ko rerespituhin ang taong nakikipaglaro lang naman sa akin, I just gave her what she wants!" sigaw ni Vincent.

   Naguguluhan na ang mga taong nasa loob ng kwarto, di nila alam ang ibig sabihin ng mga sinasabi ni Vincent.

   Sa narinig ay doon lang nakabawi sa ulirat si Ariana, unti-unti ng pumatak ang mga luha niya, di niya lubos maisip na nakayanan niyang makita ang taong mahal niya na may kasama sa kama na kakarampot lang ang suot, di niya alam kung san siya nakakuha ng lakas ng loob para makatayo at titigan pa sila na hindi humahagulgol sa sakit na nararamdaman.

   Walang hikbing lumabas sa bibig niya, kahit sobra-sobra na siyang nasasaktan. she just cried quietly!

   "What do you mean Vincent?!" usal ni Ryza.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now