Chapter 31 - Gray's Confession

2.7K 46 0
                                    

Chapter 31 - Gray's Confession

(Ariana's POV)

"Miss can you please faster?" Utos ko dun sa cashier, natigilan na kasi siya sa kakatingin sa amin ni Gray. Tss chismosa -____-

"Ariana relax" nakangising si Gray.

"How can I be relax? Kung di tayo makakaalis agad dito?" pagsusungit ko sa kanya.

"H-here's your bag ma'am and sir ... thank yo--" di ko na siya pinatapos at kinuha na ang pinamili ni Gray, hinatak ko agad si Gray palabas ng Mall.

"Sabi sa inyo sila Ariana at Gray yan eh"

"Pa picture tayo?"

"Sundan natin bilis!!!"

"Gray?!!"

"Totoo yung news, nagde-date sila!"

"Bagay sila!"

"Perfect couple yay!"

Naramdaman ko ang paghatak saken pabalik ni Gray, "What?" Iritang tanong ko.

"I thought we have a date" di ko inakala na mas iisipin niya pa ngayon ang date na yan. Can't he see? Ang daming ng tao, makakagulo pa kami pag nanatili pa kami dito sa mall.

"Argh for Pete's sake Gray ... wag muna yan ang isipin mo, we need to get out of here as soon as possible .... Before the crowd get's wild!"

Hinatak ko na siya, yumuko lang ako habang naglalakad, di rin na naman siya nag protesta pa, sumasabay na siya sa akin sa paglalakad. Kinuha niya na din ang mga paper bags na hawak ko kanina lang.

Naka-yuko man siya at medyo nakatago ang mukha, alam ko at ramdam ko ang dissapointment niya. Pero anong magagawa ko? Di magandang idea na magdate or mamasyal sa mall lalo na ng mga kagaya naming public figure.

Kabilaan pa rin ang mga flash ng camera, may tatlong security guard na rin ang umalalay samen papuntang parking lot nitong mall.

Nang makarating na kami ng tuluyan sa tapat ng kotse ko, nagpa-salamat lang kami sa mga security guards at sumakay na agad, pinaharurot ko na iyon nang walang makasunod pa samin.

Habang nagda-drive ako ay wala pa ring imik ang katabi ko, I sighed ... alam ko naman na gusto niyang pumasyal pero wrong timing and wrong place din kasi. Sinilip ko ang oras at nakita kong alasingko na rin pala ng hapon. Mukhang mas natagalan kami sa pag-iwas sa mga tao kesa sa pagbili ng damit ni Gray ni hindi na kami nakapag-lunch!

Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko doon ang isang public park na wala masyadong tao, tutal naman palubog na ang araw wala na rin sigurong makakapansin sa amin dito diba?

Hininto ko ang sasakyan ko sa gilid ng park, kinuha ko lang sa ignition ang susi, tinapunan ko na ng tingin si Gray, bakas sa mukha niya ang pagtataka dahil nga sa pagtigil namin dito.

"I thought we're going home?" seryosong tanong niya, okay nagtatampo na nga siya?!

Humarap ako sa kanya at kinuha ang isang kamay niya, "Sorry okay? I know how dissapointed you are but you choose a wrong place to--"

"It's okay .. let's go home now" binawi niya saken ang kamay niya, humalukipkip siya at sumandal sa sandalan ng passenger seat.

Di ko yun sinunod at sumandal na lang din sa upuan ko, gusto ko mang pagaanin ang atmosphere namin ngayon, pero diba ito na rin ang right time para sabihin ko sa kanya ang tungkol samin ni Vincent? Sinilip ko ulit si Gray, nakapikit na siya ngayon. alam ko namang di siya natutulog, siguro napagod lang din siya sa pagtakbo namin kanina para makaiwas sa mga tao sa mall.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz