Chapter 34 - First Priority

2.4K 40 0
                                    

Chapter 34 - First Priority

(Ariana's POV)

Natapos ang gabi namin na masaya, halos lahat kami nagamit ang mini-stage at instruments na naroon sa Zeus, sabi din pala ni Ryza na tatlo na daw ang branches ng Zeus ... masaya ako na kumakalat na yun sa luzon.

Hinatid lang ako ni Vincent kung saan ko iniwan ang sasakyan ko, gusto pa sana niya akong ihatid sa unit ko pero di na ako pumayag pa tutal nagtext na rin sa akin si Violet na kailangan naming mag-usap.

Nang makababa ako sa kotse ko ay agad na akong pumasok sa lobby, binati pa ako ng security guard na nagdu-duty ng gabing ito, ngumiti lang ako sa kanya.

Sumakay lang ako ng elevator hanggang sa makarating sa floor kung nasaan ang unit room ko.

Di ko na kailangan pang hagilapin ang susi ng unit ko dahil di naman na iyon naka-locked may duplicate naman kasi si Violet ng unit ko.

Pagbukas ko doon ay naabutan ko si Violet na tutok na tutok sa laptop niya na nakapatong sa center table ng living room ko. "Hey" bati ko sa kanya. Binaba ko lang ang hand bag ko sa couch at hinagis ko naman sa table ang susi ng kotse ko, uminom muna ako ng tubig at bumalik na ulit sa living room.

"How's your night? Looks like you enjoyed it" aniya habang tutok na tutok pa rin ang buong atensyon sa ginagawa.

"Yep we went to a restobar, kung san nakilala sila Vincent ' don't worry reserved place yun for us, so no one see me with them" paliwanag ko, baka kasi mapraning na naman siya na makita kami ng ibang tao ni Vincent, Violet is allergic to some issues.

Umupo ako sa harapan niya, nag indian seat din ako tulad niya, tumango-tango siya sa sinabi ko, "Good ... now that your participation to their music video was ended, you need to focus again to your number 1 priority and that as a model" mahabang litanya niya, gusto ko sanang umapila sa sinabi niyang number 1 priority ko daw ay pagiging model, dahil nagbago na yun simula ng maging maayos kami ni Vincent, ang first priority ko na ngayon, ay ang relasyon ko sa kanya at sa mga kaibigan ko, but I keep my mouth shut because I know she will argue with me about that.

"Why? Meron na naman ba akong project?" I asked her, tumango ulit siya at this time tumingin na siya sa akin at hinarap niya saken ang laptop niya.

"Look at this ... you will be a model of one of the disigner in that event, susuotin mo lang ang ilan sa mga damit na ginawa niya" tinuro niya saken ang isang babae sa picture sa laptop niya, mukhang event iyon ng mga ilang designer sa Pilipinas, parang debut na nila as a fashion designer. May pinindot pa siya para makita ko ang mga design clothes ng nasabing fashion designer, kung ako ang tatanungin magaganda naman ang nga damit niya kaya lang sobrang revealing. "Madaming offer ang dumating sa atin para lang sa event na yan, ilan din sa mga designer na participant sa event na yan ay gustong mag model ka for them ... pero syempre kinuha ko kung sino ang pinaka malaki ang offer" yeah mukha nga rin palang pera ito si Violet -______-

"Kelan yan?" tanong ko inusog ko na sa kanya pabalik ang laptop niya.

"3 days from now, so you need to be more sexy and charismatic in that event ... as you can see puro revealing clothes ang ginagawa ng designer na yun, and one more thing" putol niya sa sinasabi niya, tinaasan ko lang siya ng kilay para ipagpatuloy niya pa kung ano pang idaragdag niya, "Gray is coming with you on that event"

"What? Why?" Di makapaniwalang tanong ko, makaka-trabaho ko agad si Gray? Yeah I admit na ilang beses ko na rin siyang naka-trabaho, but hell not now we were not in good terms, he kept on ignoring me, he's mad at me. "Did you tell him about this?"

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora