Chapter 56 - Six Weeks

2.5K 49 0
                                    

Chapter 56 - Six Weeks

   Updated ♥♡♥

~~~~~

    (3rd Person's POV)

      Tulalang nakamasid lang si Gray sa mahimbing na natutulog na si Ariana, hinimatay kasi ito kanina habang umiiyak na kinakausap siya. Nang himatayin ito ay agad niyang dinala sa Hospital ang dalaga at tinawagan si Violet.

   Maraming pumapasok sa utak ni Gray, di niya inaasahan ang matutuklasan sa pagdala niya kay Ariana sa Hospital, kinain siya ng konsensya niya sa mga ginawa dito.

   "I just want you to be mine, I'm sorry Ariana" bulong niya sa dalaga.

  

    Sa ginawa niya sa relasyon nito kay Vincent ay mas lalo niyang kailangan na alagaan si Ariana, di niya hahayaang bumalik ulit ito sa step-brother niya dahil lang sa isang buhay na nagbabadyang dumating sa kanila.

   Napalingon si Gray ng bumukas ang pinto at humahangos na lumapit sa kanila si Violet, "Totoo ba ang sinabi mo sa phone Gray?!" di makapaniwalang tanong nito.

   Tumango lang ng tahimik si Gray at tinuon na ulit ang tingin sa dalaga, "My god, bakit nakisabay pa!" stress na sabi ni Violet, di siya against sa mga desisyon ni Ariana pero may mas malaki silang problema na kailangang kaharapin at makakasama ito sa kalagayan ng alaga niya, pag nagkataon.

   "Why so tensed Violet? What's wrong?" di maiwasang tanong ni Gray, masyado kasing worried, kabado at stress ang handler nila sa mga oras na iyon.

  "Look at this!" utos ni Violet kay Gray sabay abot ng tablet nito sa binata, literal naman na nanlaki ang mata ni Gray ng mabasa at makita ang article, napalingon agad siya sa mahimbing na natutulog na si Ariana.

   "This is a problem!"

   "Yeah .. a big big problem!" segunda ni Violet.

***

   Samantala busy ang buong banda ng The Time habang nagpa-practice para sa kanilang nalalapit na concert, nang dumating sila Ryza Brenda, Yassi at Sky sa studio. Simula nang dumaan ang birthday ni Vincent ay di na nila muli pang napag-usapan ang tungkol sa dalawa nilang kaibigan, ginawa na lamang nilang tahimik ang lahat.

   "Oh problema niyo?" napahinto sa pagtugtog si Kyle ng makita ang girlfriend at mga kaibigan na humahangos at hingal na hingal tila ba hinahabol ng maraming aso.

   Maging sila Kiel, Kieth at Vincent ay tumigil din, "H-hindi ba kayo nag-iinternet?!" inis na sabi ni Ryza.

   Nang makita nila ang article ay agad silang tumungo dito, nasa restaurant lamang sila ni Sky ng madaanan ang trending article sa social media.

   Naguguluhang nagtinginan ang tatlo ngunit wala naman pakielam na sumandal si Vincent sa pader habang pinapanood ang mga kaibigan. "What do you mean?" Kiel asked.

   "V-Vincent, this is all about you and ... Aya!" naalarma si Vincent ng marinig ang sinabi ni Yassi, maging ang kapwa kabanda ay kinabahan sa narinig.

  Umupo sila Ryza, Brenda at Yassi sa sofa sumunod naman ang mga lalaki, binuksan agad ni Ryza ang laptop niya at nilagay mismo sa Article na nakita nila.

   "Here" kabadong sambit ni Ryza habang ipinapakita sa lahat ang Article.

[Ariana De Veyra is One Hell of a Lucky Biatch]

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon