Chapter 35 - Secret!

2.4K 45 0
                                    

Chapter 35 - Secret!

 (Vincent's POV)

  [Kailan mo ba siya dadalhin dito Vincent?]

  "Pag hindi na po kami busy tsaka kailangan ko pa siyang itakas sa maiinit na mata ng ibang tao"

[Tss na mi-miss ko na siya, it's been 5 years since the last time I saw her]

  Napailing na lang ako, nung nakita niya pa lang si Aya sa news bilang si Ariana ay isa na siya sa mga taong nangulit sa akin. Pinagpipilitan niyang makita si Aya sa personal pero di ako pumapayag at sinasabing ako na lang mismo ang magdadala kay Aya papunta sa Mansion.

"I'll inform you if we will visit you there, kaya kalma lang po" pag-aasure ko sa kanya. Kasi alam kong kukulit-kulitin na naman niya ako about kay Aya.

[Lagi na lang yan ang sinasabi mo, pero ilang buwan ng nandito si Aya hanggang ngayon di mo pa rin siya nadadala sa akin ... baka naman sino-solo mo lang siya?]

  Tss ang kulit talaga, lagi na lang pag tumatawag siya sa akin, lagi siyang nakikipagtalo.

"Oo na po La, titignan ko kung kailan di na busy si Aya ... alam niyo naman po'ng abala siya ngayon ... wag na kayong makulit may ginagawa pa ko, sige po La Bye"

  [Aba't siraulo ka talagang ba--] di ko na pinatapos si Lola Virginia, natatandaan niyo pa ba ang Lola kong makulit? Well siya nga yun ' sa haba-haba ng panahon buhay pa din xD joke lang syempre mahal ko yun kahit di mo minsan maintindihan ang ugali.

 

   Di niyo lang alam kung paano niya ko kulitin ng mga nakaraang linggo tungkol kay Aya, gusto niya pa ngang sumunod sa Bohol ng malaman niyang kasama ko si Aya sa MV shoot namin. Well di lang naman siya ang nangungulit sa akin para kamustahin si Aya, pati na rin si Johann at Vlad. Kung noon ay todo selos ako sa kanila, ngayon slight na lang hahaha, di ko pa rin kasi maiwasang mangamba lalo na dumagdag pa ang Gray Yamsuan na yun, kahit pa nga parehas na may mga girlfriends na sila Vlad at Johann. Gusto rin daw sana nilang makita si Aya in person.

  Ilang beses ko na din binalak na sabihin kay Aya ang tungkol kay Lola Virginia, Vlad at Johann kaya lang nakakalimutan ko, pero I know one day madadala ko ulit siya kila Lola at siguro naman magkikita ulit sila nila Vlad at Johann, di ko naman ipagkakait si Aya sa kanila lalo pa nga't sila ang matagal at unang nakilala ni Aya.

   Ngayon lang ako nakauwi dito sa unit ko, galing ako sa studio pinanood nila sa akin ang MV na ginawa namin, syempre tuwang-tuwa ako ng makita ko yun kahit pa malungkot ang flow ng scenes. Sayang nga at di ko manlang napanood iyon kay Aya, kahit yung composed songs ko di niya pa din naririnig .. naisip ko na lang iyon ipanood sa kanya sa mismong araw ng concert namin sa Araneta.

  Nang makapasok ako sa condo ay agad kong inihiga ang katawan ko sa sofa, nangalay kasi ang likod ko sa pagda-drive, nilabas ko ang cellphone ko pero wala pa rin text o tawag galing sa Mahal ko -_____-

  Ganun na ba talaga siya ka busy ngayon? Alam kong mas madalang na kaming magsama lalo pa nga't tapos na agad ang kontrata niya sa amin bilang main character sa MV, dahil nga natapos na naming i-take lahat ng scenes.

  Nag-type ako ng message for her, sana naman makapag-reply siya.

To: Mahal Ko :* - Nakauwi na ko, ikaw busy ka pa din ba? Miss na kita mahal ko :( ... wala manlang text o tawag, nakaka-tampo! Pero ayos lang, wag kang magpaka-pagod papakasalan pa kita (: ... I love you mahal ko muaaaaahhh!

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now