Chapter 55 - Breakdown

2.5K 43 0
                                    

Chapter 55 - Breakdown

  Dedicated to @MsMuppet123 :)

~~~~~

   (Vincent's POV)

   Hapon na ng maisipan kong bumangon, masakit pa ang mata ko sa kakaiyak, ang bakla man sabihin pero kanina ko pa di mapigilan ang luha ko ... Gusto kong matulog katulad ng ginagawa ko noon, gusto kong isipin na panaginip lang lahat, na pag gising ko andyan na ulit si Aya sa tabi ko, nakangiting nakatingin sa akin at tinatawag akong, Mahal ko ... lumabas ako ng kwarto at bumungad sa akin ang mga regalong nakahilera sa sofa ko, limang regalo ito. Naalala ko ang sinabi ni Kieth kaya naman umupo ako doon at binuksan ang maliit na kahon. Nakakainis lang isipin na bubuksan ko ang regalo nila na sobrang lungkot, diba pag nagbubukas ng regalo dapat masaya, but I can't do that, feeling ko imbis na kaarawan ko ngayon ay namatayan ako!

  Galing iyon kay Ryza at Kiel, isang lagayan ng accesories ng guitara, sinunod ko naman ang isang rectangle na regalo, galing iyon kila Yassi at Sky, it was a music notebook, kung saan pwede kong isulat ang mga composed song ko, next ay kila Brenda at Kyle, two tickets papuntang Italy ... Tss masasayang lang to!

   Ang sinunod ko ay ang malaking frame na galing kay Kieth, dahil sa curiosity ay agad kong tinanggal ang nakatakip dito, napangiti ako ng malungkot sa bumungad sa akin.

  Ang saklap, ngayon nakikita ko na ang mga bagay na ginagawa namin ni Aya pag magksama, Bakit ngayon niya lang to binigay? Edi sana naisip ko noon pa lang kung gaano katotoo ang pinapakita ni Aya, kung gaano niya ko kamahal .. sabi ko sa isip ko. Isa itong collage picture, nabuo ang larawan namin ni Aya na nakangiting nakatingin sa isa't-isa, ang pagbuo nito ay gamit din sa iba't-iba naming litrato ... mga litratong palihim na kinuhanan ni Kieth nung nasa Bohol pa lang kami hanggang sa Manila!

    Itinabi ko muna iyon ng sa ganun ay di mabasag, tatayo na sana ako ng makita ang isang guitara na nasa itim na lagayan pa. Sabi ni Kieth nandito rin daw ang regalo ni Aya para saken, kaya naisip ko iyong kunin dahil alam kong galing iyon sa kanya.

   Nilapag ko ito sa lap ko at marahang binuksan ang zipper, nanlaki ang mata ko sa nakita at mabilis na uminit ang bawat gilid ng mata ko, Ito yung guitara na sinira ko, yung guitara na binigay niya noong high school graduation ko .. di ko ito gustong sirain, nadala lang ako ng galit ko kaya inihampas ko ito sa pader hanggang maputol ang dulo. Ngayon ayos na ito at walang bahid ng pagkasira .. Nandito pa rin ang naka-engraved na words, I Love You Mahal Ko :*

   Naramdaman ko na lang ang pag-alpas ng maiinit na luha sa pisngi ko, balak ko na sana iyong ibalik sa lagayan ng may di sinasadyang malaglag mula sa butas ng guitara.

   Yumuko ako para kunin yun, napahinto ako sa nakita ko, It was her picture with this guitar on her side, nakangiti habang nakaturo siya sa guitarang hawak niya. Kinuha ko yun at pinagmasdan.

   Ngayon di ko na ulit siya makikitang ngumiti sa akin ng ganyan :( naisip ko!

   Binaliktad ko ang litrato ng mapansing may nakasulat sa likod, di lang basta nakasulat dahil mahaba ang mga salitang nandoon.

  Hi Mahal ko :*

   This is your special day ... nagustuhan mo ba ang gift ko? - Napatango na lang ako sa tanong na iyon, kahit di niya nakikita, "G-gustong-gusto k-ko" humihikbi kong sagot.

   Sorry kung guitara na naman ha! Ikaw kasi eh ... you ruined this guitar, you said before that this is important to you, then why you ruined it? Di ako manhid Mahal ko, I know your mad at me, not just mad but I think you hate me, Am I right? I don't know what I did to you, whats bothering to you and why you are like that .. but all I can say is sorry, sorry Mahal ko, Wag ka na magalit ha? Di ko kasi makayang ganyan ang trato mo sa akin eh, you know how much I love you and I know that even you mad at me, you always love me :) Wag ka ng magalit ha? Paano tayo ikakasal kung galit ka?! Ang panget naman kung haharap tayo sa altar ng magkaaway diba?!

   Tinakpan ko na ng isang kamay ang bibig ko, di ko na kaya yung sakit, bawat salitang sinasabi niya sa kanyang sulat ay bumabaon sa puso ko. Paano nga tayo ikakasal kung nawala ka na sa buhay ko? Kung nangyare na ang lahat ng ito!

   Pinagpatuloy ko ulit ang pagbabasa at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko!

  Mahal ko may gusto akong aminin sayo, I have a secret ... Gray is involved in this, Alam ko pag sinabi ko ito sayo ay masasaktan ka and worse magagalit ka sa akin, God knows how much I want it to say to you, but I always think that you'll just hurt by this secret and I don't want that to happen ... Sorry kung pinili ko iyong ilihim, pero kung gusto mo talaga malaman, then ask me .. I'm willing to say it to you ... Kahit na masaktan ka, at least nasa tabi mo ko, You can share your pain with me ... Happy Birthday Mahal ko :* Happy Birthday my soon to be husband .. Always remember that I love you so so so so so much ^____^

From your soon to be wife
        Mrs. Buenavista

   Hinayaan ko na lang ang sarili ko na magpatuloy sa pag-iyak, di ko na alam ang gagawin ko, sobrang sama ng loob ko sa sarili ko at higit lahat kay Gray, she's right this is too much!

***

    (Ariana's POV)

      Mabilis akong nakababa sa kotse ko, galing ako sa puntod ni Mama, dun ko binuhos lahat ng sakit at hinanakit na nangyayare sa akin ngayon, gustuhin ko mang magtagal doon at magpalipas ulit hanggang kinaumagahan ay di ko ginawa, sobrang sama ng pakiramdam ko, di ko naman hahayaan na magkasakit pa ko. Tama na yung emotionaly sick! Namamaga na rin ang mata ko sa kakaiyak, kahit pinipilit kong itigil ay di ko magawa, isipin ko pa lang ang nangyare ay automatic na ang mata ko sa pagluha!

   Nanghihina kong binuksan ang pinto ng unit ko, naabutan ko agad ang nag-aalalang mukha ni Gray.

   "Oh god, what happened to you Ariana?" bungad niya sa akin, nakaramdam na naman ako ng sakit ng ulo at pagkahilo, ngunit hinayaan ko na lang. Konting pahinga lang to at mawawala na.

   "I-Its noting Gray, why are you here?" napahawak ako sa sentido ko at marahang hinilot ito.

  "I came here to tell you that third week of this month is my flight!" napalingon ako sa kanya, ang bilis naman ata?

   "Sorry Gray but I can't chitchat with you right now, I'm physically and emotionally tired" I said.

   "Why? What happened Ariana? You can tell me?!" tinignan ko lang siya hanggang sa maramdaman ko na naman ang luhang nagbabadya sa mata ko, umiiyak na niyakap ko si Gray, I need a comfort right now, I know that Gray can give me that, "Sshhh what's wrong Ariana?" he asked.

   Kahit nahihirapan akong magsalita ay nagawa pa ring lumabas ng boses ko, "V-Vincent and I are b-broked up ... G-Gray I'm tired, I-I don't know what to d-do!"

    "Sshhh, don't worry everythings going to be alright Ariana"

  Nanghihina akong tumango sa kanya, nahihilo na talaga ako at sobrang sakit ng ulo ko, "I want to r-rest---" Naramdaman ko na lang ang katawan kong kusang bumigay sa mga bisig ni Gray.

   "Ariana ... Hey Ariana wake-up, Ariana!!!" And everythings went black!

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon