Chapter 23 - S.O?

2.9K 51 1
                                    

Chapter 23 - S.O?

(Ariana's POV)

"CUT!"

Sunod-sunod ang palakpakan ng mga staff at mga nanonood samen. Natapos kasing i-shoot ang scene 1-4 ng MV ng The Time. Dito kasi sa Bohol napili ng director na place, bagay daw sa ambiance ng scenes.

6 scenes to go pero sa Manila na daw ite-take yun. "Congrats" bungad saken ni Violet at Boss Key.

Kabilaang thank you na lang ang ginawa ko at ng buong member ng The Time.

Habang nakikipag-usap ako sa ibang staff na di ko naman talaga ginagawa noon, may naramdaman akong kumakalabit sa likod ko.


Di ko yun pinansin at pinagpatuloy ang pakikipag-chikahan. Nanibago nga ang mga staff saken kanina, dahil ako ang unang um-approach sa kanila na di ko naman kadalasan ginagawa .. alam ko naman na ilag sila saken dahil sa malditang personality ko. Ito ata talaga ang nagagawa ng pagiging masaya, nagagawa ni Vincent saken.

Speaking of Vincent, naramdaman ko na naman ang pagkalabit saken. Nag excuse ako sa mga kausap ko at hinarap ang lalaking makulit sa likod ko.

"What?" Kunwaring inis na tanong ko.

Nginitian niya lang ang pagsusungit ko. "Well I think we need to celebrate De Veyra" aniya.

"Celebrate? Were not done yet .. 6 scenes pa Buenavista, masyadong maaga ang celebration mo"

Ngumuso naman siya ng parang bata sa sinabi ko, Argh isip bata alert!

"Bilis na Mahal ko--"

"Cut it out Vincent! Baka may makarinig sayo" putol ko sa kanya, baka kasi may makarinig at lumabas ang issue samen.

Mukha namang natauhan siya sa sinabi niya at, "Sorry .. hanggang kelan ba natin itatago to?" Bulong niya.

Alam ko naman na ayaw niya itago kung anong meron kami, kaya lang ayoko namang masira ang career nila dahil lang saken, marami nga akong fans pero marami ding bashers. Tingin ng iba sa mga international model na kagaya ko ay mga flirt, whore, at iba pa!

Di ako sumagot at bigla namang dating ng mga kaibigan namin, "Aga-aga L.Q?" Pabirong bulong ni Kieth habang naka-akbay saken.

"Put your hands down Castulo" seryosong utos ni Vincent kay Kieth.

Argh .. Last name syndrome?

"Okay-Okay ... possesive side huh?" - Kieth.

Naikwento na kasi nila Kyle kay Kieth ang nangyare kagabi, bigla kasi itong nawala kaya wala siyang idea sa amin ni Vincent, nagulat pa nga siya nung nag breakfast kami, bigla kasi akong niyakap at hinalikan sa noo ni Vincent. Ayun nagulat!

"Hahaha ngayon official loner ka na Kieth" pang-asar ni Ryza kay Kieth habang nakayapos sa bewang ni Kiel.

Napangiti na lang ako, di ko ata kaya yung ginagawa ni Ryza, kung sakali mang in public na ang relasyon namin.

"Haha nakakatawa tigre" sarcastic na sagot ni Kieth to Ryza.

"Ano ba kasing problema Pareng Vincent at nakabusangot ka dyan .. kakatapos lang ng shooting binagsakan na agad ng langit at lupa yang mukha mo" - Kyle.

Busy na ang mga staff at sila Boss Key, Violet at Direct. Kaya di na nila kami masyadong binibigyan ng pansin. Meron ding mangilan-ngilan na kumukuha ng litrato. Buti na nga lang at pinapalibutan kami ng mga kaibigan namin at di lang sa amin ang atensyon.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now