Chapter 41 - Mini-Celebration

3K 48 0
                                    

Chapter 41 - Mini-Celebration

  (Kiel's POV)

    Maaga kaming tinawagan ni Boss Key na pumunta sa studio, dahil ngayon ang unang araw ng practice namin sa darating na 3rd concert namin sa Araneta. Ilang beses na rin kasing na postpone ito kaya minamadali na kami, may exact date na iyon, available na rin ang mga tickets kaya wala ng atrasan pa.

   Ako ang unang dumating sa studio, magka-sunod namang dumating sila Kieth at Kyle, "Bakit ganyan ang mga mukha niyo?" Tanong ko sa kanila, parehas kasing malalaki ang eyebags nila, halatang kulang sa tulog.

   Pumunta si Kyle sa pwesto niya, sa tapat ng drums set, "Wrong timing naman kasi itong si Boss Key, biglaan kung magpa-practice, napuyat pa naman ako dahil kay Myloves" reklamo nito.

   "At least natuwa ka sa pagpupuyat mo nag-enjoy kayo ni Brenda" makahulugang sagot ni Kieth.

  "Hoy manyak mali ang iniisip ng madumi mong utak, kung sana nga ganun eh ... kaso hindi, di ako pinatulog ni Myloves samahan ko daw siyang mag movie marathon magdamag, tss alasingko na ko nakatulog ... tapos tumawag pa tong si Boss Key ng alasais'ey media!" - Kyle.

   Under kasi sa girlfriend kaya ganyan, lahat ng gusto ni Brenda nasusunod ... buti pa ko, simula ng nag-propose ako kay Nhie di niya na ako ina-under, balanse na kami!

  Binalingan ko naman si Kieth na inaayos ang electric guitar niya, "Ikaw ba't ka naman napuyat? Baka ikaw ang gumawa ng milagro kaya ka napuyat?" Sabi ko kay Kieth.

   Nagkamot naman siya sa ulo niya na para bang inis na inis, "Napuyat ako dahil sa kaka-isip ng plano about kay Tito Arnel at Ariana ... sana nga gumawa na lang ako ng milagro kasama ang isa sa mga chicks ko habang nag-iisip eh" bastos talaga tong gagong to.

  Di ko na lang sila pinansin, mai-stress lang ako sa kanila, buti na lang ako maganda ang gising!

  Nagsimula na kaming magbutingting sa sari-sarili naming instruments ng bumukas na naman ang pinto dito sa studio. Niluwa nun ang mukhang masayang-masaya na si Vincent.

  Nagkatinginan kami nila Kyle at Kieth, sabay balik tingin ulit kay Vincent, tss ano naman ang nakain nito ngayon? Kagabi lang halos sumabog siya dahil sa hinalikan ang girlfriend niya sa harap niya mismo, tapos ngayon pasipol-sipol pang umupo sa couch, kinuha nito ang guitara niya at nagdekwatro sa upuan.

   "Anyare sayo Pareng Vincent? Maganda ata gising mo?" - Kyle

  "Blooming ka ata Pareng Leader, gwapo mo ngayon eh!" - Kieth.

  Tumingin siya sa amin isa-isa at nginitian kami, "Halata bang masaya ako at Gwa" Natatawang sabi niya.

  Bipolar talaga ang lalaking to, minsan mas okay na sa akin ang pagiging masungit at seryoso niya kesa sa ganito siya, mukhang tangang naka-ngiti.

   "Oo kaya para kang naka-high, naka-tsongke ka ba?" Asar sa kanya ni Kieth, Pero imbis na magalit, ngumiti lang ito sa kanya, "Luh ..Nabaliw na ata" narinig kong bulong ni Kieth.

   Pinagpatuloy ulit nito ang pagtugtog sa guitara, sinabayan pa ng kanta, lakas ng mga tama talaga ng kasama ko dito! Ako na lang ba matino?!

  "Bakit ka nga pala late?" Sanay na kaming lagi siyang late, gusto ko lang talaga itanong, sa pagkakaalam namin kasama niya si Aya kagabi, kaya siguro masaya ang mokong na to.

   "Hinatid ko si Aya" maikling ngunit naka-ngiti pa rin sagot niya.

    "Sa unit mo siya natulog?" Sabay na tanong nila Kieth at Kyle.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now