Chapter 10 - Kieth

3.8K 59 8
                                    

Chapter 10

(Ariana's POV)

Maaga akong gumising at pumunta sa sinuggest na gym ni Violet babawi ako dahil tingin ko tumaba ako sa niluto ni Vincent na adobo kahit ilang days ng nakalipas yun pakiramdam ko nasa katawan ko pa rin yung nakakatabang niluto niya, nagpa register lang ako at nagsimula ng mag work-out, may mga lumalapit na lalaki sa akin para tulungan daw ako, pero di ko sila pinapansin, in the first place wala akong balak kumuha ng instructor -____-

Alam ko naman kasi kung ano lang ang gusto nila, mga perverted moron -__- nakasuot lang ako ng black leggings na hanggang tuhod at ang top ko naman ay fitted na shirt pero expose ang stomach ko.

Nasa tredmill na ako ng mapansin kong may mga kumukuha na ng litrato ko, kala ko ba okay ang mga tao dito, sabi kasi sa reception kanina wala daw nanggugulo ng mga nagggym na celebrities dito, pero mukhang nagkamali sila.

Habang tumatakbo tumitingin ako sa ilang lalaki na kumukuha ng pictures ko, "Hey stop it" suway ko sa kanila, di ako makababa dahil di ako makapag-focus sa pagtakbo ko.

Pero parang wala silang narinig at nagtatawanan pa habang patuloy pa rin sa pagkuha ng pictures. Sa totoo lang naiinis na ako, pero wala akong magawa. "I said stop it" inis na sabi ko.

"Hey dude she said stop it" napatingin na lang ako sa nagsalita at nakita ko yung isa sa mga kabanda nila Vincent, if i'm not mistaken Kieth is his name. inakbayan niya yung dalawang lalaki at mukhang natakot naman ang mga iyon, kaya nagsialisan na rin yung iba.

Lumapit siya sa akin habang ako naman patuloy pa rin sa pagtakbo. Pinindot niya yung stop sa tredmill ng di hinihingi ang pahintulot ko ng huminto yun bumaba agad ako at kinuha ang towel ko.

"Thanks" sabi ko, nakangiti lang siya sa akin.

"Wala yun, dapat di ka nagwo-work-out mag-isa sa ganitong lugar" sabi niya. May hawak din siyang bag at mukhang regular customer na siya dito.

Luminga-linga ako sa paligid baka kasi kasama niya sila, alam mo na. wala ako sa mood masilayan ang mukha nun ngayon.

"Don't worry wala si Pareng Leader" mapang-asar na sabi niya.

"I'm not asking" mataray kong sagot.

"Woah wag kang magalit sa akin" naka-ngisi niyang sabi halata sa itsura niya na inaasar niya lang ako, kaya naman di ko na lang siya pinansin at umupo sa isa sa mga vacant seat dito sa gym.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin, habang busy ako sa pag-inom ng bottled water ko ay nagsalita na naman siya, "Ibang-iba talaga ang pinapakita mo ngayon" sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at binaba ang tubig ko, "Tss don't act as if you know me"

"Yeah we didn't met before or we didn't know each other, but they talked a lot about you by that, feeling ko kilala na rin kita ... sad to say di ko nga lang naabutan ang ugaling meron ka noon" sa pagkakataon na to siya naman ang ngumisi, umupo siya sa tabi ko kaya naman umusod ako.

Aaminin ko nakakapikon siya manalita pero di ko na lang binigyang pansin yun at muling tumingin sa kanya, "Ako? Nagkkwento sila about sa akin? Seriously!" tanong ko, yun kasi ang sabi niya kanina. Wow ha para namang may time pa sila para pagkwentuhan ako nung mga time na wala ako dito sa pilipinas, for sure sobrang saya nila when im not around.

Tumango siya bago magsalita, "Di porke't nasaktan ka nila noon eh' wala na silang care for you may pinagsamahan pa rin naman kayo at yun ang pinanghahawakan nila ... yan ang mahirap sa mga tao tuwing nasasaktan sila nakakalimot na sila, puro masasamang karanasan na lang ang naaalala nila kasama ang mga taong nakasakit sa kanila" napatanga ako sa haba ng litanya niya.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon