Chapter 47 - One Text Message -O-

2.1K 45 0
                                    

Chapter 47 - One Text Message -O-

  
    (3rd Person's POV)

      Di na alam pa nila Ryza ang kanilang gagawin, mas malala kasi ang inaasahan nila ngayon, wala sa plano na isama ng Tito Arnel nila ang buo nitong pamilya, dahil alam nila na once na makita ito ni Ariana ay mas lalo itong magagalit.

   Nagulat si Kieth ng sampalin ng Mama niya si Ariana, maski siya ay di inaasahang isasama ng Tito Arnel niya ang kapatid at mama niya. Naalarma agad si Kieth ng makitang gagantihan ng sampal ni Ariana ang Mama niya.

 

   "Oh your mom?!" wala kang mababasang emosyon sa mukha ni Ariana, she doesn't know how to digest all the situation.

   "Let her go Kieth!" inis na binawi ni Vincent ang kamay ni Ariana kay Kieth, ano man ang mangyare isa lang ang goal niya sa sitwasying ito, iyon ay protektahan ang fiance na si Ariana.

   "Please anak talk to me, I'll explain everything just talk to me and forgive me!" mangiyak-ngiyak na sambit ni Arnel sa kanyang anak, hindi niya alam na makakasama pala ang pagsama sa asawa at anak niya sa kanilang pagkikita ng pinakamamahal niyang si Ariana.

   "Give him a chance Ariana!" Kieth also begged for her, he just want to reconciled his Tito and Ariana, alam niya kung gaano kasakit at kahirap ang pinagdaraanan ni Arnel.

   "Tama pa ba ang nangyayare?" bulong ni Yassi. walang sumagot sa kanya, hinawakan na lang siya ng mahigpit ng nobyo niya.

 

  Di na naman naiwasan ni Ariana ang mapaluha sa mga nangyayare, galit na galit siya, gusto niyang saktan ang kinilala niyang ama, gusto niyang magsisi ito sa lahat ng ginawa nito sa kanila, pero hindi man niya aminin sa sarili niya, isa sa mga ikinagagalit niya ay ang ilang taong di manlang siya nagawang hanapin at balikan nito. That after all these years he doesn't cared for her, "The day you left us is also the day you died for me, patay ka na sa buhay ko, how can I forgive the person who ruined my family, my life ... you ruined everything, I loathed you even if I die I will not forgive you, no even if you die .. you doesn't deserve any of my forgiveness!" mahabang sumbat niya sa ama niya.

   Handa na siyang umalis ng mapasinghap silang lahat dahil agad na lumuhod si Arnel sa harap ni Ariana, di nila inaakala na gagawin nito iyon para lang mapatawad ng anak niya.

   "Arnel tumayo ka dyan, that girl doesn't deserved to be threated like that ... Arnel stand up!" hysterical na sumbat ni Karla sa asawa. Umiiyak na siya dahil sa totoo lang ay siya ang may kasalanan ng lahat, siya ang dahilan kung bakit iniwan ni Arnel ang pamilya nito. Maging ang walang kamuwang-muwang na anak nila ni Arnel ay umiiyak na rin, dahil sa nakikita sa ama.

   Agad na nilapitan ni Kieth ang kapatid at pinatahan, sila Kiel, Ryza, Yassi, Brenda, Kyle at Sky ay di makapaniwala sa mga nangyayare. Masyadong masakit sa puso ang nasasaksihan nila.

   Si Vincent man ay napayuko na lang, di niya masisi ang fiance na si Ariana dahil sobrang sakit ng pinagdaanan nito, ngunit meron sa bahagi niya na nasasaktan dahil masyado ng sarado ang isip ng kanyang fiance para sa ama nito.

   Mas naging blanko ang mukha ni Ariana, "Ibalik mo ang buhay ng Mama ko at baka mapatawad pa kita o di kaya naman sumunod ka sa kanya at dun ka mismo humingi ng tawad" and with that she left.

***

   (Ariana's POV)

    Nakaheels man ay mabilis akong nakatakbo, dahil sobrang sikip na ng dibdib ko. Patuloy lang sa pagpatak ng mga luha ko, wala akong pakielam sa mga taong nakakakita sa nadadaanan ko!

  Napaluhod mo siya Ariana, dapat masaya ka, dahil nakita mong umiiyak sa harap mo ang pamilya niya! Katulad mg nangyare sa inyo ng mama mo!

  Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo bigla rin itong sumakit, "Aya! Teka san ka pupunta!?" napalingon ako kay Vincent. Agad akong umayos ng tayo at tinahak na ang kotse ko. Not now, nakita na naman nila kung gaano ako kasama. Kaya not now! I don't want them to judge me!

  Nang makasakay sa kotse ko ay mabilis ko itong pinaharurot. Isa lang ang lugar na naiisip kong puntahan.

   Habang nagda-drive ay nakaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura kaya naman mabilis ko itong itinabi sa gilid, binuksan ko agad ang pinto ko, di pa ako nakakalabas ng masuka ako sa labas ng pintuan ko.

   Tss mukhang di talaga ako natunawan sa kinain ko! Bwiset why do they need to come out when everything is okay now ... I don't need him .. Di niya na ako kailangan pang sundan at kulitin, may pamilya siya at higit sa lahat may anak na sila. Isa pa si Kieth, kaya pala sobrang inis ako sa lalaking yun dahil kapatid ko siya sa Ama, for pete's sake, meron pa bang nakakainis na darating sa buhay ko!

  Nagmumog lang ako sa bottled water ko at pinunasan ng tissue ang bibig ko, and when I feel okay I continued driving.

   Madilim at wala na ko ni isang makitang tao ng makarating ako sa pupuntahan ko. Hinanap ko agad ang pwesto niya may ilaw pa rin naman sa mga poste kaya madali kong nahanap ang puntod ni Mama.

   Umupo ako sa mismong tapat ng lapida niya. Katulad ng huli kong punta dito malinis pa rin, mukhang pinalilinis pa rin siya ni Adrian.

   Pinunasan ko ang lapida ni Mama at ngumiti ng malungkot.

  "M-ma .. n-nakita ko na siya, m-mukha naman siyang m-masaya" pinahid ko ang tumulong luha sa pisngi ko. Iniisip ko ano kaya ang magiging reaksyon ni Mama kung makikita niya ulit si Pa---yung lalaking sobrang minahal niya, "M-may anak na sila, N-nakita mo ba ang ginawa ko? ... M-masama ba yun M-ma? Ga-galit ka ba saken?" Panigurado galit siya, alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaking yun, "A-ang sama ko po ba? M-ma siya a-ang may k-kasalanan .. kung b-bakit kayo n-nandyan at wala sa tabi ko ngayon, n-ng umalis siya, si-sinama niya kayo .. I'm sorry ma b-but I can't give what he wants ... not now but I know someday" and with that pinagpatuloy ko na lang ang pag-iyak ko. Ang kaisa-isang bagay na magagawa ko sa mga oras na to.

***

    (Vincent's POV)

    "Okay call me when you find her .. okay salamat Kyle"

   Hinagis ko na lang ang phone ko sa passenger seat, nandito ako ngayon sa kotse ko at nagmamaneho, kailangan kong sundan si Aya, alam kong sa mga oras na to ay umiiyak siya, iniisip ko pa lang na ganun nga ang ginagawa niya ay nasasaktan na ko. I hate to see her crying, but I hate more when she's crying but I'm not around! I don't want her to feel alone again like five years ago! I know she's scared to be alone.

  

   Dinampot ko agad ang cellphone ko ng marinig ko iyong tumunog, excited ko pa yung binuksan sa pag-aakalang si Aya yun o di kaya ay isa sa mga kaibigan ko, na ibabalitang nakita na nila si Aya.

   But my forehead creased when I saw the message. It was from unregistered number.

From: 0916*******

   Meet me at -------- restobar, I'll tell you something interesting about Ariana!

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora