Chapter 25 - Model of the God and Godesses Era

2.7K 48 1
                                    

Chapter 25 - Model of the God and Godesses Era

(3rd Person's POV)

~Flash Report~

Mainit na sinalubong ng mga Pilipino at mga tiga media ang sikat na International Model na si Gray Yamsuan .. Ginulat niya ang mga tao ng bigla na lamang siyang dumating dito sa Pilipinas mga ilang minutong nakararaan. Sa mga di nakakaalam si Gray ay isang half pinoy at half American ..

Ito at panoorin natin ang coverage sa NAIA Terminal 3 sa mainit na pagsalubong sa batang modelo.

Matamang nanonood sila Vincent at ang mga kaibigan sa mga video na pinapakita sa television ang NAIA at ang pinagkakaguluhang si Gray Yamsuan.


Maraming tumatakbo sa isip ni Ariana ng mga oras na iyon, sa pagkaka-alam niya ay walang sinabi si Gray na susunod ito sa pilipinas.

Di makapaniwala sila Yassi, Brenda at Ryza sa napapanood sa television .. dahil ilan lang din sila sa mga kababaihan na humahanga sa modelo. Halong excitement at kaba ang nararamdaman nila, dahil alam nila na mga ilang araw lang ay mami-meet nila ito in person, dahil kay Ariana pero nalulungkot din sila sa posibilidad na maapektuhan ang kakaayos lamang na relasyon nila Vincent at Ariana.

Ganun din ang nararamdaman nila Kiel, Kyle at Sky .. nakita nila kung paano masaktan ang kaibigan na si Vincent. Nasa isip nila ay di pa nga nagtatagal ang kasiyahan ng kaibigan nila ay mapuputol na agad ito.

Si Kieth man na walang ideya kung gaano kalala ang pwedeng mangyare ay nangangamba din.


~Reporter~

Makikita na sobrang dami ang mga nagmamahal at humahanga na mga Pilipino kay Gray Yamsuan, ang mga tagahanga niya ay di inakala ang pagdating ng diumano'y isa sa mga Model of the God and Godesses Era.

"GRAY ANG SEXY MO!"

"ANG YUMMMMY!"

"SUSUNDIIN NA NG PRINSIPE NATIN ANG PRINSESA NIYA!"

"I LOVE YOU GRAAAAAYYY!"

"ANG SWERTE NATIN!!"

Ilan lamang yan sa mga sigaw at hiyawan ng mga tao dito sa NAIA .. Nakakuha ng Live interview ang ating tagapaghayag na si -------- sa pagdating ni Gray Yamsuan.

~Reporter 1~

"Gray all of your fans are shocked and asked why you are here in the Philippines? .. do you have a project here or you're in a vacation"

In-interviewed si Gray habang naglalakad palabad ng NAIA, kabilaang mikropono ang nilalapit sa kanya, makikita mo talaga ang pagiging isang modelo sa isang Gray Yamsuan ... kahit naka simpleng white v-neck shirt at rugged pants lang siya ay hulmado naman ang katawan at kakisigan ng binata. Nakasuot din ito ng brown na salamin sa mata.

Maputi at matangkad si Gray Yamsuan, kaya siya napabilang sa mga tinaguriang Model of the God and Godesses Era sa iba't-ibang bansa ay dahil sa built at posture ng kanyang katawan, iisipin mong isa siyang Fine God. Clean cut ang buhok, medyo magulo pero bumagay naman sa kakisigan nito.

Kabilaang ngiti at kaway ang binibigay niya sa mga tao, ngumiti muna siya at tinanggal ang salamin sa mata, na expose ang pagkakaroon niya ng singkit na mata .. mataman niyang tinitigan ang lalaking reporter na nagtanong sa kanya.

Isang ngiti niya lang ay lalong umalingawngaw ang sigaw at hiyawan ng mga kababaihan. Maging ang mga security guard na nag-eescort sa kanya ay nahihirapan na sa pagpigil ng mga reporters at nga fans ng binata.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon