Chapter 51

384K 8.9K 1.7K
                                    

Chapter 51

Sitti's P.O.V

Noong una akala ko isa na naman iyon sa O.A. imagination ko.

Akala ko, wala lang. Akala ko mali lang ako ng hula.

Pero sa pagtagal ng mga oras, mas napapansin ko may iba. Na may mali sa mga nangyayari.

"I can't belive na gagawin nya iyon!"

"Pathetic!"

"Mas desperada pa pala sya sa atin eh!"

"Nakakasuka pagmumukha nya!"

"Ginamit pa nya si Prince! Nakakabanas!"

"Ang sarap nyang ipakulam sa totoo lang!"

"Sarap nyang pagsampal-sampalin para matuto ng leksyon!"

"Malandi!"

"Feelingera!"

"Bitch!"

Hindi ko alam pero bigla na lang ako kinilabutan sa mga pinagsasabi ng mga kaklase kong babae na nasa likuran ko lang nag-uusap.

Sanay na akong pinagbubulungan ng mga tao na 'to pero iba ngayon.

Damang-dama ko yung galit sa mga boses. Hindi lang iyon simpleng inis kundi matinding galit.

At alam ko kung para kanino ang galit na iyon.

Para sa akin.

Napahawak ang isang kamay ko sa isa ko pang kamay nang mapansin ko ang matinding panginginig noon.

Bigla din akong nilamig at kinilabutan. Nangangatog na nga ang mga paa ko sa ilalim ng mesa ko sa sobrang kaba at takot.

Hindi ko alam kung ano na naman ba ang nagawa ko para magalit ng ganoon ang mga kaklase kong babae sa akin.

Dalawa lang ang nasisiguro ko. May kinalaman iyon kay Kaizer at mukhang hindi ako makakaligtas sa kung ano mang binabalak nilang gawin sa akin ngayon.

"Kailangan na nating maturuan ng leksyon ang babae na yan!"

"Tama! Yung hinding-hindi nya makakalimutan!"

"Umayos na kayo! Nandyan na sila Prince!"

Mariin kong iniyuko ang aking ulo nang dumaan sila sa gilid ko para hindi magtama ang mga mata namin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Nanlalaki din ang mga mata ko. Pati mga ngipin ko nanginginig na din sa takot.

"Di ba sinabi ko na sa'yo na sabay na tayo papasok? Bakit hindi mo ako hinintay?!"

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko yung inis na boses ni Kaizer.

Kahit na nakatingin na ako sa mukha nya, ramdam na ramdam ko pa din yung matatalim na tingin ng mga kaklase ko sa akin. At mas lalo lang akong kinakabahan.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" kunot-noong tanong ni Kaizer saka nya pinatong yung isa nyang kamay sa noo ko at dinama iyo. "Ang lamig mo ah! Okay ka lang ba?"

Naupo na sa tabi ko si Kaizer saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nagulat pa ako nang bigla nyang kuhain yung mga nanginginig kong kamay saka iyon hinawakan ng mahigpit.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon