Chapter 36

692K 12.1K 3.6K
                                    

A/N: Pagpasensyahan ang typos. Hindi ko 'to in-edit. Happy reading! Gawa ko pala yung GIF photo sa may multimedia. Don't steal ah? Salamat!

Chapter 36

Sitti's P.O.V

          "I love you too, Sitti"

          "Ako puso mo din, TG."

          "I love you, Felicity Sandoval."

          "I love you, my tag girlfriend."

          Marahas kong iniling-iling ang ulo ko saka pinipilit ipasok sa utak ko ang mga salitang: "Wag kang magulo! Bakit ba ang hilig mong magflashback huh?!"

          Isang linggo na din yata ang nakakalipas—mag-iisang linggo pa lang ba?—magmula ng manalo ang school namin laban sa Eigaku at mula ng matapos sabihin sa akin ni Kaizer ang mga salitang iyon na hindi ko malaman kung saan nya napulot.

          I mean, oo, alam ko na nagpapanggap pa rin kami bilang tag couple—sa hindi ko malaman kung bakit kailangan pang dahilan—pero hindi naman nya kailangan ipagsigawan sa buong gym ng Eigaku at sa harap ng mga taga-Eastton University yung mga salitang iyon. Kinikilabutan nga ako tuwing maaalala ko iyon eh!

          At mag-iisang linggo na din mula ng iwasan ko sya.

          Oo nga at nasa iisang school lang kami, iisang room at magkaseatmates pa. Pero sa tuwing madidismiss yung teacher namin, mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtakbo ko palabas ng room maiwasan lang sya. Kahit nga may next subject pa kami lumalabas pa din ako saka ko aabangan yung next teacher namin sa labas para maiwasan ko lang si Kaizer.

          Sa loob kasi ng classroom, damang-dama ko yung tagos-tagusan sa talim nyang tingin. Ang ginagawa ko na lang deadma. Nada! Umaarte na wala sya sa tabi ko.

          At kapag may tinatanong naman sya o kahit ano lang way of communicating to me, hindi ko pa din sya pinapansin. Umaarte ako na may ginagawa, busy-busihan o di kaya kunwari tulog.

          Malaking pasalamat ko na lang at nasa tabi ko din ni MM kasi kung wala sya, malamang sa malamang napatay na ako ng tingin ni Kaizer.

          Bakit nya kasi sinabi iyon?! Ayan tuloy! Nahihirapan na akong harapin sya! Pakiramdam ko nga hindi na ako makakatagal ng isa pang linggo na makatabi sya sa classroom. Dagdag mo pa na mahilig magpagroup at partner activity ang mga Prof. Swerte ko na lang talaga at numbering ang sistema. Hindi kami magiging magpartner kasi nga magkatabi kami. Alam nyo yun? Yung magbibilang kayo tapos yung may magkakaparehas na number ang magiging magpartner? Ganoon!

          At ito pa ang isa sa mga malalang epekto ng pagsabi ni Kaizer ng mga "baliw na salita" na iyon sa harap ng mga taga-Eastton.

          "Tsk! Ang landi nya talaga kahit kailan!"

          "May padrawing-drawing pang nalalaman! Eh ang panget naman nung gawa nya!"

          "Tinawag pa nyang TB si Prince! Grabe!"

          "Lakas maka-PDA kay Prince! Nakakairita!"

          Bumalik na naman sa dati yung trato ng mga babae sa school na ito sa akin. Imbes na nanahimik na sila noong nakaraan eh! Kakainis!

          'Kasalanan mong lahat ng ito Kaizer Buenavista!' sa isip ko.

          Mabuti na lang at hindi ilegal ang pagpatay sa isang tao sa utak. Kanina ko pa kasi pinapatay sa inis sa utak ko ang mayabang na iyon dahil inilagay na naman nya ako sa nakakainis na sitwasyon.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon