Chapter 4

923K 16.2K 2.9K
                                    

Dedicated to kay Ysa kasi sya nag-ayos ng mga typo ko dito! Hahaha! Thank Ysa! Mwuah! 

Chapter 4

Sitti's P.O.V

            *ring ring ring*

          Haist! Ano ba yan! Ano ba yung maingay?!

            *ring ring ring*

          Wag mong pansinin yan Sitti. Matulog ka na lang ulit. Sabado ngayon, wala kang pasok kaya dedmahin mo yang ingay na yan.

          *ring ring ring*

          "ANO BA?!" bigla kong kinuha yung cellphone ko na nasa tabi ko lang dito sa may kama saka sinigawan pasagot yung kung sino mang tumatawag na yun.

          Wala ng manners-manners sa akin! Nakakainis eh! Istorbo ng tulog! Kakairita!

          [Bakit hindi ka pumasok kahapon?]

          Nakapikit pa yung mata ko habang bumalik sa pagkakadapa ko sa malambot kong kama.

          "Bakit? Ano bang problema mo sa di ko pagpasok kahapon?" inaantok na sabi ko sabay napahikab.

            [Hinintay kita kahapon. Wala ka.]

          Napakunot-noo ako saka tiningnan yung phone ko. Unregistered yung tumatawag sa akin ngayon.

          "Sino ba 'to ah?"

            [Boyfriend mo.]

          "Weee?" inaantok pa nga ako pero sinakyan ko na lang yung trip ng tumatawag sa akin ngayon. "Pwede na? Wag ka ngang magjoke. Wala pa akong boyfriend at walang balak kung hindi lang din si Kaizer Buenavista ang makakatuluyan ko."

          Narinig kong ngumisi yung nasa kabilang linya. Oo, maririnig mo yun akala mo ba.    

            [Ako nga si Kaizer Buenavista. Yung boyfriend mo.] diniinan pa niya yung salitang yun.

          Napatingin na lang ulit ako sa screen ng phone ko saka sinagot yung baliw na tumatawag sa akin.

          "Bababa ko na 'to."

          Pipindutin ko na sana yung end button kaya lang bigla na naman syang nagsalita.

            [Nasa tapat ako ng bahay niyo ngayon.]

          Binalik ko sa tapat ng tenga ko yung phone ko. "Ano?"

            [Nasa harap ko na Mama mo ngayon. Magpapakilala na akong boyfriend—]

          Hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya dahil dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto ko.

          Wala akong pakialam kung wala pa akong hilamos, mumog at suklay-suklay.

          Kailangan kong mapigilan yung baliw na Kaizer na yun bago pa siya makapagsalita ng kung ano-ano ka-weirduhan sa Mama kong numero urong intregera sa love life kong wala naman.

          "Sandali lang Ma!" sigaw ko para pigilan yung Mama ko na nasa tapat na ng pinto.

          "O Felicity! Ano...yang...itsura...mo?" kunot-noong sabi ni Mama nung napalingon na siya sa akin.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon