Chapter 20

719K 11.3K 3.4K
                                    

Chapter 20

Kaizer's P.O.V

          "Bwisit! Nakakainis!" inis na sabi ko saka tinapon sa isang sulok yung panglimang karton ng cake mixture na binili ko. "Bakit walang lasa?!"

          "Pre, alam mo, ang pagluluto para ding babae yan..."

          Inis akong napakunot-noo sa "mataling-hagang" sinabi ni Kris.

          "At ano naman ang nais mong iparating sa iyong sinambit, Ginoong Baltazar?" pag-aasar ko sa kabaliwan nya.

          Ngumisi lang sya sa akin para sa pang-aasar kong sagot sa kanya.

          "Alam mo best friend," sabi nya saka nilagay yung isang braso nya sa balikat ko. "Ang babae, parang pagkain. Kailangang nilalasahan. Tinitikman. Pinapasarap."

          Inis kong inalis yung kamay nya sa balikat ko saka sya hinarap.

          "Alam mo Kris, wala na akong panahon para makinig sa mga kamanyakan mo..." bagot na sabi ko.

          At tinawanan nya lang ako doon sa sinabi ko.

          "Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, Kaizer!"

          Hindi ko na lang sya pinansin saka nagsimula ulit magbukas ng panibagong box para magawa yung nakaka-inis na cake na 'to!

          'Tsk! Pa-special talaga ang baliw na yun kahit kailan!'

          Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusukat ng dami ng cake mixture nang bigla na namang magsalita si Kris.

          "Ang pagluluto, dapat laging may kasamang pagmamahal!"

          Bigla kong natapon yung buong laman ng cake mixture sa mesa dahil sa gulat sa sinabi ni Kris. Napaubo-ubo pa ako nang malanghap ko yung mixture saka mas kumalat yung harina sa mesa at napunta pa sa mukha at damit ko.

          "Hahahahahaha! Ang gwapo mo Kaizer!" dinig kong tawa nya saka sunod akong may narinig na pagclick ng kung ano.

          "Wag mo kong picturan ano ba?!" asar na sabi ko habang pilit tinatakpan ng kamay ko yung mukha ko.

          Bwisit na Kris 'to! May araw din 'to sa akin!

          Umulit na naman ako sa pagagawa ng cake para sa baliw na yun.

          Oo. Para kay baliw 'to. Birthday nya di ba? Wag ng magtanong! Psh!

          "Para kanino ba kasi yan?" tanong ni Kris nung mailagay ko na sa oven ng Home Economics room yung panibago kong gawa na cake.

          "Para sa may birthday." tipid na sagot ko.

          "Wow huh?! Salamat sa pamimilosopo pre!"

          "Welcome." tipid na sabi ko saka hinintay na maluto yung cake.

          Ilang minutong nanahimik si Kris. Kasama din pala namin si Mobi na walang ginawa kundi ang matulog doon sa ibabaw ng mahabang mesa ng Home Economics room. Talagang humiga pa sya doon sa may ibabaw ng mesa at mahimbing na natutulog habang yakap-yakap yung mga bag nya ng marshmallows.

          "Pero seryosong usapan, Kaizer..."

          Napaharap ako kay Kris nang magseryoso na talaga yung boses nya. "Para kanino ba yang cake na yan? Ngayon lang kita nakitang nagbake ng cake para sa isang tao ah?"

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon