Chapter 14

740K 11.1K 2.2K
                                    

Chapter 14

Sitti's P.O.V

          "Oy narinig nyo na ba yung balita?! Nagbalik na daw si Prince!"

          "Huh? Sinong Prince? Si Prince Kaizer ba?"

          "Hindi bakla! Yung isa pang Prince natin! Yung nagpunta sa ibang bansa para mag-aral? Yung representative ng school sa Amerika?"

          "Shunga! Representative ka dyan! Foreign exchange student yun baliw!"

          "Ay oo nga! Basta yun! Nagbalik na daw si Prince Kris ngayon sa school!"

          Teka? Prince Kris?

          Palihim kong nilingon yung dalawang nagtsitsismisan sa tabi ko. Hindi doon sa pwesto ni Patty ah? Doon sa kabilang side.

          Walang araw talaga sa Eastton na walang nakakalap na tsimis yung mga kaklase kong babae. Lagi na lang sila tsimisan ng tsimisan! Try kaya nilang manahimik muna kahit isang araw lang?

          Saka kapag nagchichismisan sila, hindi bulungan eh! As in yung madidinig mo talaga kahit gaano ka pa kalayo sa kanila. Ganoon katindi mga boses ng mga tsimosa sa school na 'to na kahit ayaw mong madinig yung usapan nila, madidinig at madidinig mo pa din.

          Saka ano daw yung binanggit nilang pangalan? Prince Kris?

          'Medyo kaparehas ng pangalan nung nag-add sa akin sa Facebook kagabi yun ah!' sa isip ko saka binuklat yung likod ng notebook ko at nagdrawing.

          'Hindi naman siguro parehas na tao yun! Sa dinadami ba naman ng Kris sa mundo di ba?'

          Isa pa sa mga nakakainis sa school na 'to ay yung parating late na pagpasok ng mga Prof sa classroom.

          Kaya mas lumalakas yung loob ng mga kaklase kong magtsimisan kasi alam nila na hindi pa darating yung teacher namin.

          "Oy sya nga pala bading! Tapos na ba camp training nila Prince Kaizer?"

          Biglang akong nahinto sa pagdodoodle ko nang marinig ko na naman yung pangalan ni Kaizer The Yabang.

          'Tsk! Yung Prince Kris na lang ulit pag-usapan nyo! Wag na yang si yabang na yan!'

          Pero sadyang ako lang nakakarinig sa iniisip ko kaya nagpatuloy yung dalawa kong tsimosang katabi sa pagkikwentuhan nila—pagtsitsismisan pala.

          "Hindi ko alam eh! Kaya pala wala sya sa school nitong mga nakaraang araw."

          "Oo adik! Di ba in-announce na ni club President na mawawala sa paningin natin ng ilang araw si Prince Kaizer dahil nga sa nasa camp sya?"

          "Teka ano bang ginagawa nila doon?"

          Nakinig na lang ako sa usapan nila. Tutal naman wala na akong magagawa saka gusto kong malaman kung kailan matatapos yung matahimik kong pamumuhay sa Eastton.

          Kaya pala di ko nakita si yabang sa school kasi nasa camp. Tsk! Sana lagi na lang sya doon at wag ng magpapakita sa school!

          Saka ano daw?! Club President?! Grabe! Iba na talaga yung level ng kabaliwan ng mga babae sa school na 'to! Buti na lang talaga hindi nila ako katulad. Tsk! Tsk! Tsk!

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon