Chapter 10

819K 12.4K 1.6K
                                    

Chapter 10

          "Ayan na sya..."

          "Totoo ba yung bali-balita na sila na talaga ni Prince Kaizer?"

          "Oo. Si Prince na daw nagpatotoo eh!"

          "Talaga? Akala ko ba fake lang yung relationship nila?"

          "Hindi ko nga din maintindihan. Ano ba talaga yung totoo?!"

          Napabuntong-hininga na lang ako saka padabog na binagsak yung backpack ko sa ibabaw ng mesa ko saka inihiga yung ulo ko doon at humarap sa kabilang direksyon kung saan di ko makikita yung pagmumukha ng mga tsimoso kong classmate.

          Lagi na lang ganito. Araw-araw na lang akong nakakarinig ng mga paninira sa akin mula nung namali ako ng tag sa Facebook at dahil sa pagkakadikit ko sa pangalan ni Kazier yabang na yun.

          Ganito siguro yung naramdaman at nararanasan ni Sunako nung nadikit sya sa pangalan nung apat na prinsipe nila sa school lalong-lalo na kay Kyohei.

          "Hoy!"

          Bigla kong naangat yung ulo ko nang may bigla na lang tumapik sa balikat ko ng ubod ng lakas.

          "Ano bang—Patty!" gulat na sabi ko nung makita ko syang nakatayo na sa tabi ko saka sya naupo. "Para saan iyon?!"

          Si Patty Dela Cruz. Yung sinabi ko noong nakaraan na classmate at seatmate ko na isa din sa mga nagcomment sa maling status ko sa Facebook.

          Alam nyo ba, binura ko na yung maling tag status na yun. Pero yung mga papansin kong schoolmate, kinopya yun saka ni-repost sa Facebook ulit at ako naman ngayon yung tinatag nila sa status na binura ko na.

          Nakakainis yung mga tao dito sa Eastton! Bakit ba ayaw nila akong tigilan?!

          Nagpaliwanag na nga ako sa Facebook kagabi eh! Oo, binuksan ko ulit yung Facebook ko saka nagpaliwanag. Pero hindi nila pinansin paliwanag ko.

          At alam nyo sumalubong sa akin? 10k+ na notification. Hindi ko nga alam kung paano nangyari iyon at kung possible ba pero wala, nangyari na. Psh!

          Syempre puro hate comments lang laman ng notification ko na yun. May iilang nagcongrats. As in, iilan lang talaga at kasama na doon si Patty at yung nerd sa school namin.

          "Ano na?"

          "H-Huh?"

          "Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" kunot-noong tanong sa akin ni Patty.

          Hindi ko napansin na kinakausap nya na pala ako.

          Kahit kasi magkatabi kami ni Patty, minsan lang kami mag-usap. I mean, ako lang pala yung minsan makipag-usap sa kanya.

          Likas na kay Patty yung pagiging madaldal at pala-kaibigan nya. At kahit na alam kong matagal na nyang sinusubukang makipagkaibigan sa akin, hindi ko pa din sya masyadong pinapansin. Nakakahiya kasi. Hindi ko alam kung paano ko sya i-aaproach.

          Gaya nga ng nasabi ko kay yabang kahapon, ang social life ko ay hanggang net lang. Wala akong kaibigan sa personal.

          Ewan ko ba. Mula grade school loner na ako. Siguro dahil sa wala akong Tatay at sentro ako ng tuksuhan noong bata pa ako kaya natuto akong umiwas sa iba.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon