Chapter 56

514K 9K 3.2K
                                    

Chapter 56

Kaizer's P.O.V

  "Tingin sa kamera!"

  "Hapitin mo pa yung partner mo please!"

  "Smile naman dyan! Kaizer! Ngumiti ka sa kamera!"

  Psh! Ngumiti daw.

  Paano naman ako ngingiti kung nakakainis yung kapartner ko?

  Tsk! Buti sana kung si TG yung kasama ko dito malamang ngingiti pa ako. Psh!

  "Pwede ba? Subukan mo na lang makipagplastikan kahit ngayon lang. Sumasakit na panga ko kakangiti dito tapos ikaw ginugulo mo lang?!"

  Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni Margaret sa akin.

  Hindi naman ako kagaya nya na plastik at wala akong makitang rason para ngumiti sa harap ng kamera lalo na kung sya lang din naman yung nasa tabi ko.

  Pasalamat na lang talaga sya at babae sya dahil kung hindi, siguro nasapak ko na sya dahil doon sa mga pinaggagagawa nya kay Sitti.

  Psh! Ewan ko ba kasi doon sa baliw na babaeng iyon at kinaibigan pa yung taong laging nananakit sa kanya. Pinatunayan nya lang talaga sa akin na baliw talaga sya!

  Napangiti ako nang bigla na lang pumasok sa utak ko yung mga kabaliwan na pinaggagawa ni Sitti sa buhay nya mula nang makilala ko sya.

  "Ayan! Perfect! Ganyan dapat! Mas nagiging effective na yung pagiging partner nyo!"

  Biglang sumimangot yung mukha ko nang marinig ko yung sinabi ni Patty--ang photographer namin para sa shoot na ito.

  Wag na kayong magtaka kung bakit sya ang kumukuha ng mga litrato namin para sa school advertisement posters. Passion nya na noong bata pa lang kami ang photography at mahilig lang talaga syang mag-angkin ng trabaho ng iba.

  Isa syang sobrang workaholic na babae. Tsk!

  "Ibaba mo na nga yan! Kanina mo pa kami kinukunan!" sabi ko sabay bitaw ng hawak doon sa bewang ng babae na yun.

  Tsk! Naiinis pa din ako kapag naiisip ko yung mga masasamang ginawa nya sa girlfriend ko. Nakakapika! At hindi ako gaya ni Sitti na basta-basta na lang magiging mabait sa isang 'to! Huh!

  "Ngingiti ka din naman pala ang dami pang arte!"

  Napalingon ako sa kanya nang sabihin nya iyon sabay pinaikot nya yung mga mata nya sa akin saka inayos yung buhok nya at umalis.

  Tsk! Tingnan nyo nga yung ugali ng babae na iyon! Anong nakita ni Sitti sa kanya at kinaibigan nya iyon?! At bakit parang ako lang ang hindi tumatanggap sa kanya sa grupo?! Tsk! Ano iyon? Tanggap na nilang lahat kasamaan ng ugali ng babae na iyon? Psh!

  "Ah Kaizer--"

  "ANO?!"

  Hindi ko napigilang magtaas ng boses nang may bigla na lang tumawag at kumalabit sa balikat ko. Tsk!

  "A-Ah...e-eh...k-kung tapos ka na..."

  Mariin akong pumikit nang makita ko yung vice president ng student council sabay ko hinilot yung pagitan ng dalawang mata ko at saka huminga ng malalim.

  "Pasensya na. Napagod lang ako sa pinapagawa ni Patty sa amin." sabi ko sa kanya sa mahinahon ng paraan. "Anong kailangan mo?"

  "Ah...eh...since okay ka na naman. Itatanong ko sana kung pwede ka naming ma-interview para sa school paper? P-Pero mukhang hindi ka pa okay kaya sa susunod na lang siguro."

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon