Chapter 21

711K 10.1K 2.5K
                                    

Chapter 21

Sitti's P.O.V

          "Alis na po ako Ma!" malakas na sigaw ko saka lumabas ng bahay.

          Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate ng bahay namin, muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita ko si MM na nakatayo sa tapat namin.

          "Anong ginagawa mo dito?!" gulat na sabi ko.

          Hindi sya nagsalita kasi punong-puno na naman ng marshmallow yung bibig nya. Matapos nyang ipakita sa akin yung "nakakadiri" nyang paglunok sa kinakain nya, saka lang sya nagsalita.

          "Sabay na tayo, best friend."

          Hindi ko alam kung bakit bigla na lang uminit yung pakiramdam ko nang marinig ko syang tawagin akong "best friend".

          Akala ko pa naman hindi sya seryoso doon sa sinabi nya sa akin kahapon. Alam mo na? Na baka nagulat lang sya o di kaya masyado lang syang natuwa sa akin?

          Saka ayoko kong umasa sa isang bagay lalo na yung tungkol sa "pagkakaibigan". Gaya nga ng nasabi ko na sa inyo noon, yung mga kaibigan ko hanggang Facebook lang. Wala talaga akong totoong kaibigan sa personal. Masyado yata akong introvert para magkaroon ng kaibigan at maging "fit" sa mga nilalang sa Eastton.

          At isa pa, mas gugustuhin ko pang lumunok ng bubog kaysa maging isa sa mga nagyayabangang tao sa Eastton.

          "Kanina ka pa dito?" sabi ko matapos kong umubo kunwari para mawala yung pamumula ng mukha ko.

          Wag kayong mag-isip ng weird huh? Masyado lang talaga akong napa-flatter kapag may tumatawag sa akin na "kaibigan".

          Kahit na weird si Mobi, natutuwa pa din ako na mukhang sineseryoso naman nya yung pagiging magkaibigan namin.

          'Teka! Kung kaibigan ko na si Mobi, at best friend din ni Mobi si yabang...' nanlaki mata ko sa naisip ko. 'Magiging best friend ko din si Kaizer?!'

          Nagulat pa din ako sa ginawa ni Kaizer sa akin kahapon. Yung pagngiti nya, yung paghila nya sa akin palayo doon sa mga lalaking nagbabalak akong ipasok sa kiss-kiss tag something-something na iyon at hanggang doon sa paglagay nya ng cake nyang sinukahan ng kung anong nakakadiring dilaw na icing sa mukha ko.

          Nakakagulat kasi hanggang sa matapos naming magdumihan ng mukha kahapon, wala akong narinig na pang-aaway sa akin mula sa bibig ni Kaizer Buenavista. Well, hindi naman talaga nya ako direktang inaaway minsan, pero kahit na! Nakakapanibago pa din yung pagiging mabait nya sa akin. Ngumiti pa nga sya sa akin di ba? Nagtawanan pa kami!

          'Siguro dahil sa birthday ko...' sa isip ko.

          Tama! Iyon siguro ang dahilan kung bakit sobrang bait sa akin ni Kaizer kahapon. Kasi birthday ko...saka Valentines pa. Fan service nya siguro yung pagngiti nya kahit na hindi naman nya ako fan at lalong hindi nanghingi ng service sa kanya.

          Pero kahit na ano man ang mangyari, na-appreciate ko pa din yung kabaitan na pinakita nya sa akin kahapon.

          'Siguro dapat maging mabait na ako sa kanya simula ngayon...'

          Wag nya lang talaga ako sisimulan ng kayabangan nya kasi baka hindi ako makapagpigil at maaway ko na naman sya ng wala sa oras.

          "Anong iniisip mo?"

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon