Chapter 27

662K 10.8K 4.9K
                                    

Chapter 27

Sitti's P.O.V 

          "Miss Felicity Sandoval, pick one card from these cards."

          Nanginginig ang kamay ko nang bumunot ako ng question card doon sa hawak ng host.

          Nginitian ako ng lalaking host saka nya binuksan yung card ko.

          'Lord! Wag po sanang tungkol sa Math yung itanong sa akin kasi po hindi po ako magaling doon.' dasal ko. 'Sana po tungkol na lang sa Facebook o di kaya saan nakapwesto yung mga club sa school!'

          "Here's your question." sabi nung host sabay basa doon sa nakasulat sa card. "For you, what is love?"

          Gusto ko sanang magface palm sa napiling tanong sa akin.

          Mas mahirap pa 'to sa Math ah! Wala bang pass na sagot dito?

          Isang minuto yata ako nag-isip bago ko kinuha yung micropone mula sa kamay ng host saka sumagot.

          'Bahala na!'

          Mabuti na lang, sabi ng host kanina, pwede naming sagutin yung question in English or in Filipino.

           Kaya kahit wala akong alam sa isasagot ko, sumagot pa din ako. Hindi naman nila siguro ako babarilin kapag mali sagot ko di ba?

          "Para sa akin, ang love," sabi ko sabay lihim na huminga ng malalim. "Ito yung strong point at weakness ng isang tao."

          Natahimik ang lahat na nasa auditorium sa naging sagot ko. At lahat sila titig na titig na sa akin.

          My gawd! Mali ba sagot ko?!

          "Paano mo naman nasabi, Miss Felicity?" tanong nung host.

          Napatingin ako sa katabi ko kay Kaizer saka nya ako binigyan ng supporting nod. Na para bang sinasabihan nya ako na kaya ko 'to.

          Nakakagulat pero malaking tulong na din sa akin iyon. Na kahit papaano, sinusuportahan ako ng partner ko.

          "Kaya ko nasabing strong point ng tao ang love kasi bigla nilang nagagawa yung mga bagay na hindi nila nagagawa noon." sagot ko. "Na kahit na pagod na pagod na tayo, makita lang natin yung taong mahal natin, bigla na lang tayong magkakalakas. Na kahit na gusto na nating sumuko, maramdaman lang natin yung suporta ng taong nagmamahal sa atin, bigla tayong nagkakaroon ng pag-asa. Ang love, kayang gumawa ng mga imposibleng bagay na kahit na tayo, mga tao, hindi natin maiisip na gawin."

          Bigla kong itinapat yung isang bakanteng kamay ko saka tapat sa puso ko.

          "Saka, oras kasi na tumibok 'to, wala na tayong ibang magagawa kundi maging malakas para sa taong mahal na natin. Na kahit alam nating mahina lang tayo, bigla tayong lumalakas kasi tumitibok 'to. Kasi nagmamahal tayo."

          "At, nasabi ko namang weakness ng tao ang puso, kasi oras na masaktan tayo, bigla na lang dumidilim ang mundo natin. Na nagiging bulag na tayo sa mga opportunities na nandyan pa para sa atin."

          "Minsan kasi, kapag nasaktan tayo ni love, hindi na tayo nag-iisip ng matino. Na nilulunod na natin yung sarili natin sa kalungkutan nang iwan tayo ng taong naging lakas natin noon. Sa sobrang sakit, naiisip na natin na katapusan na ng mundo. Na hindi na tayo pwedeng magmahal ulit. Na hindi na tayo sasaya ulit."

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon