Chapter 34

601K 10.7K 3.3K
                                    

Chapter 34

Sitti's P.O.V

          "Sa wakas!!!" malakas na sigaw ko sabay itinaas sa ere yung mga kamay ko. "Nakita na din kita gym!"

          Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil sa nakita ko na yung gym.

          Grabe! Ilang beses ko ding naikot ang school na ito mahanap lang ang pa-VIP na gym na 'to! Hindi sa pagiging O.A. ah? Totoo talagang ilang beses kong inikot yung Eigaku para lang makita yung gym!

          Ang galing kasi nung mga pinagtatanungan ko eh! Saan-saan ako tinuturo! Kaya ayan tuloy! Natagalan ako sa pagpunta dito sa gym!

          Bago ako pumasok, dinig na dinig ko na yung malalakas na hiyawan at tilian sa loob ng gym. Nasabi ko bang puro boses lang ng babae yung maiingay?

          Napatingin ako sa relo ko. "12:00 o'clock na pala!"

          Kung tama pagkakatanda ko, 10 yata yung simula ng game. 10 nga ba iyon o 9? Ah basta!

          Ang sigurado ko lang ngayon, super late na ako.

          At alam kong papaulanan na naman ako ng sermon ni Kaizer the forehead bully dahil sa late ako dumating.

          'Hindi naman nya siguro ako makikita di ba?' sa isip ko hang pumapasok ko sa gym.

          Kahit sa may entrance pa lang, ang dami ng tao. Tinalo pa yata ng game ng Eigaku at Eastton ang laban ng NBA at PBA. Hindi sa nanood ako ng PBA at NBA ah? Pero feel ko mas madami talagang nanunuod dito kaysa sa mga professional basketball game.

          "Excuse me! Excuse!" sabi ko habang pilit na nakikipagsiksikan sa batalyon ng mga babaeng wala ng ibang ginawa kundi ang magpalakasan ng tili.

          Gusto ko mang takpan yung tenga ko para hindi mabasag yung eardrums ko hindi ko magawa. Nakahawak kasi yung isa kong kamay doon sa kamay na nahawakan nung madaming hikaw na goon kanina. Sobra kasi pamumula noon kaya heto pinoprotektahan ko sya.

          "Hahanapin ko pa pala yung medic!" sabi ko sa sarili ko nang maalala ko yung sinabi sa akin nung Jonas na iyon.

          Hanggang ngayon nagtataka ako kung bakit ako "niligtas" ng lalaki na iyon sa tatlong goons na iyon eh halata naman na alalay nya yung mga iyon. Hindi ko alam kung ano trip noon sa buhay at bigla-bigla na lang nagpapakabayani sa harap ko.

          Try nya din kaya magpabaril sa Luneta? Sisikat sya doon kapag nagkataon!

          Kung kanina naiirita ako sa dami ng nagpuputakang babae na sinisiksikan ko, ngayon hindi na. Nakahanap na kasi ako ng sobrang liit na space na sakto lang para makatayo ako ng maayos at makita sa maliliit na space sa pagitan ng mga katawan ng mga babae sa harap ko yung court kung saan naglalaro sila Kaizer at yung buong team ng school. Nakikita ko rin pati na din yung Eigaku team.

          Kaya ko nasabing okay na din ako sa sitwasyon ko ngayon kasi hindi ako makikita ni Kaizer at makakapagsinungaling pa ako na kanina pa ako nandito sa loob ng gym kahit hindi naman talaga.

          'Ang talino mo Sitti!' puri ko sa sarili ko.

          Nakuntento na ako sa pagtayo ko katabi ng mga babae na ito na sige pa din ang cheer sa Eigaku.

          Sa totoo lang, Eigaku lang sinisigaw ng mga tao sa loob na ito.

          'Wala bang nagchicheer sa amin?' tanong ko sa isip ko.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon