Chapter 17

735K 10.5K 3.4K
                                    

Chapter 17

Kris' P.O.V

          "Talo ka. Bayad ka."

          "Ay kabayo!"

          Hawak-hawak ko yung dibdib ko sa sobrang gulat nang bigla akong mapalingon at nakita ang mukha ni Mobi.

          "Ano ka ba naman Mobillow?! Di ba sabi ko na sa'yo na kapag malapit ka na magsalita ka?!"

          "Malapit na ako." pang-aasar na naman nya sa akin sabay sinilip-silip yung loob ng plastik na marshmallow bag nya.

          "Ah...anong ginagawa mo?" litong tanong ko nung halos ipasok na nya yung ulo nya doon sa loob ng plastik.

          Bigla nang nya nilabas yung ulo nya sabay napatingin sa akin na halos mangiyak-ngiyak na yung mga mata nya.

          "Wala na akong marshmallows..." naiiyak na sabi nya.

          "Pffft!" natawa ako sa itsura nya. "Ano ka ba naman Mobillow! Para ka talagang bata kahit kailan!"

          "Eh sa ubos na yung pagkain ko eh! Magugutom na ako. Mamamatay na ko! Kay magbayad ka na!"

          Tumawa na lang ako ulit saka nilabas yung wallet ko at kumuha ng ilang daang piso.

          "Oh 'yan! Bayad ko. Wag ka ng umiyak. Nakakahiya katabi mo pa naman ang gwapo—"

          Hindi nya ako pinatapos magsalita sabay biglang hinablot yung pera sa kamay ko at sinimulang bilangin iyon.

          "Kulang ka pa ng one hundred."

          "Huh?! Akala ko ba five hundred lang yung pinagpustahan natin huh?! Sakto naman 'yan ah!"

          "Kulang ka pa ng one hundred dahil doon sa marshmallow bag na naubos na."

          "HUH?! Ako pa magbabayad noon?!"

          "Syempre. Pinatagal mo pa yung laro nyo eh! Ayan tuloy! Naubos baon ko! Kaya magbayad ka pa!" sabi nya sabay lahad sa akin nung palad nya.

          Napapailing na lang ako sabay dagdag pa ng one hundred sa bayad ko sa kanya.

          Habang binibilang ulit ni Mobi yung pera na napalanulan nya, napatingin ako sa pinto na nilabasan nila Sitti at Kaizer.

          "Sa tingin mo, okay kaya yung ginawa ko?"

          Nahinto sa pagtupi ng pera si Mobi nung nagsalita ako. Napatingin sya sa akin.

          "Ginawang alin?" tanong nya.

          Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko sa sinabi nya.

          "Ano ba naman Mobillow! Yung ginawa kong pagiging match maker sa dalawa!"

          Tinitigan nya lang ako sandali sa mukha. "Ayos ka lang, Kris? Anong matchmaker? Kailan ka pa naging matchmaker?"

          Binigyan ko sya ng bored look saka bumuntong-hininga. "Di ba iyon yung pinagpustahan natin? Yung titingnan natin kung may gusto na ba si Kaizer kay Sitti?"

          "Di ba sinabi ko na sa'yo na wala nga? Saka akala ko ba yung pustahan natin ay tungkol sa kung sino yung mananalo sa inyo ni Kaizer?"

          "Baliw! Yung feelings ni Kaizer pinagpupustahan natin sira!"

          Tiningnan ulit ako ni Mobi sabay lahad na naman sa akin nung palad nya.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon