Chapter 7

830K 13K 1.7K
                                    

Chapter 7

Sitti's P.O.V

          Inakala ko na matitigil na yung kabaliwan ng buhay ko doon sa bahay ni Kaizer yabang. Hindi pa pala.

          Nakalimutan ko na may pangalawa pa pala siyang bahay...yung school namin.

          Alam kong late na ako sa una kong klase. Tanghali na naman kasi ako nagising. Nagbabad na naman kasi ako sa Facebook kagabi kakaspazz ng mga pictures ng EXO. Hindi ako KPOPPER ah? Nakikiuso lang ako. Alam nyo naman, uso yung nakikiuso sa Facebook. Yung tipong kahit hindi naman talaga fan nakikifan din kasi nga...USO.

          Pero wag na nating isipin masiyado yun kasi baka may mang-away lang sa akin.

          Pagtapak na pagtapak ko sa may entrance gate ng school namin nagulat ako sa nakita kong kawalan. Oo as in kawalan. Walang tao sa field.

          Sobrang tahimik nung malawak na field papasok sa school ng Eastton. Yung tipong nagpiplay sa utak ko yung isa sa mga instrumental sa mga cowboy movies. Para comedy, may gumulong pang nakabilog na mga sanga sa gitna ng field. Cowboy na cowboy movie talaga ang dating!

          Napatingin ako sa paligid. Sa kanan, sa kaliwa, sa likod at sa harap.

          Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng backpack ko saka huminga ng malalim at napangiti ng malapad.

          "Heavy! This is heaven!' masayang sa isip ko.

          Kung wala nga lang akong katabing guard, magtatalon ako sa sobrang saya dito ngayon eh!

          Isipin niyo na lang kasi 'to, wala yung mga fan girls ng "tag boyfriend" ko. Isipin niyo na lang gaano kasaya yun.

          "Teka!" biglang sabi ko sabay harap kay Manong Guard. "Kuya may pasok ba?"

          Kataka-taka talaga na walang tao sa open field. Ngayon ko lang na-experience na naging desserted yung sa may front gate.

          Madalas kasi, madaming babae diyan ang nag-aabang sa pagdating ng "Prince" nila na si Kaizer yabang. Yung tipong may mga dala pa silang cartolina na may nakasulat na kung ano-ano kabaduyan gaya ng "I love You", "Please be Mine", "Marry Me" mga ganoon!

          Tinalo pa ng mga fan girls ni yabang yung fandom ng A.N.JELL eh!

          "Meron." sagot ni Manong saka ako binigyan ng alien look.

          Yung tipong sinasabihan niya ako na: "Okay ka lang Miss? Monday ngayon di ba? Walang nakalagay na holiday sa calendar kaya natural na may pasok!"

          Na-thank you na lang ako kay Manong saka nagsimulang maglakad papasok sa school.

          Tutal naman late na ako, ano pang dahilan para magmadali sa pagpasok? I-enjoyin ko na lang 'tong moment na 'to. Yung "Kaizer Yabang's Fangirls-free Field Day!"

          Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad sa may field. Nilalanghap ko pa nga yung amoy ng mga puno saka damo eh. Ang sarap tuloy kumanta nung isang kanta sa STITCH tagalog version na.

          Napakasarap talagang maging malaya! Maging malaya~ Maging malaya~ Napasarap talagang maging malaya~!

          Bigla akong natigilan sa pagkanta ko sa utak ko ng makaramdam ako ng mga mumunting paggalaw sa paligid.

          Napalingon-lingon ako saka nagbattle mode posisyon. Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa may harapan ko saka binuka ng kaunti yung mga paa ko.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon