Chapter 28

645K 9.9K 2.2K
                                    

Chapter 28

Sitti's P.O.V

          Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa bibig ng host ng event.

          Ako ang nanalong Miss Eastton University?! Tama ba dinig ko o mali lang sila ng announced sa winner?!

          Nakatanga lang ako sa mga audience na masaya at malakas kaming pinapalakpakan. Kaming dalawa ni MM na nanalo sa contest na ito.

          Tanggap ko na si MM manalo. Pero ako?! Bilang Miss Eastton University?! NO WAY!

          "Maaari bang magstep forward ang mga declared winner para malagyan na kayo ng sash at crown?" sabi nung host na nagpagising sa lutang kong utak.

          Pero hindi pa din ako gumalaw sa kinatatayuan ako—sa pwesto sa tabi ni Kaizer.

          Sobrang higpit pa din ng hawak ko sa kamay nya. Na parang sinisenyasan ko sya na wag na wag nya akong bibitawan dahil baka bigla na lang akong magcollapse sa harapan ng maraming tao dahil sa napaka-unexpected na decision sa mga naging winner.

          "Psst! Lumapit ka na! Ano pa bang hinihintay mo?" mahinang bulong sa akin ni Kaizer.

          Marahas lang akong umiling saka ko hinawak yung isa ko pang bakanteng kamay doon sa braso nya para hindi nya ako mabitawan. Inaalis na nya kasi yung kamay nya mula sa matinding kapit ko.

          "Aish! Ano ba?! Wag ka ngang magulo, Sitti! Masisira mo damit ko!" madiing bulong nya.

          Para kaming mga sira na nagbubulungan sa harapan. Sana nga lang walang makahalata sa ginagawa namin dahil baka ano na namang isipin nila.

          "Lumapit ka na sa harapan!" sabi nya saka marahas na hinila at nabawi ang kamay nya. "Sa harap. Sitti. Dalian mo." isa-isa at madiin na dugtong nya.

          "Ayoko ko nga eh!" madiing tanggi ko. "Hindi ako lalapit doon sa harap at tatanggapin ang korona na iyon! Ayoko!"

          "Lumapit ka na nga sabi eh!" sabi nya saka pumwesto sa likod ko at sinusubukang itulak ako sa harap.

          "Ayaw!" mas dinidiinan ko naman yung tapak ko sa stage para hindi nya ako matulak.

          Pasalamat talaga ako sa flat kong sapatos. Dahil kung sakaling pinagtakong ako, kanina pa ako natulak ni yabang sa harap sa tabi ni MM.

          "Best friend."

          Nahinto kaming dalawa ni Kaizer sa tug of war—again—namin nang bigla na lang sumulpot sa harapan namin ni Mobi.

          "Halika na." sabi nya sabay abot nung kamay nya sa akin. "Wag kang mag-alala. Hindi ko hahayaang makain ng mga tao yung isa sa mga best friend ko."

          Ewan pero parang naging safe ang pakiramdam ko sa sinabi ni Mobi kaya umayos na ako ng tayo saka inabot yung kamay ni MM.

          Papaalis na sana kami kaya lang bigla namang hinawakan ulit ni Kaizer yung kamay ko dahilan para mahinto kami sa paghakbang paharap ni Mobi.

          Napalingon ako sa kanya at yung mga mata ko ay nagtatanong kung ano na naman 'tong trip nya.

          Parang kanina lang sapilitan na nya akong tinutulak paharap tapos ngayong sinundo na ako ni MM, saka naman nya ako pinigilan.

          Ano ba talaga saltik ng bipolar na 'to?!

          "Bitawan mo na si best friend, Prince." putol ni Mobi sa pagtitigan namin ni Kaizer. "Naiinip na yung host oh!" dagdag pa nya sabay turo doon sa mukhang naiinis na nga namin na host.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon