Chapter 9

822K 13.9K 1.9K
                                    

Chapter 9

Sitti's P.O.V

          "Ayos ka na ba talaga?"

          Wala sa boses nya yung nag-aalala. Yung nagtatanong lang ganun.

          Wag nga kayong shipper ng kalokohang love team namin dahil walang love at walang team sa aming dalawa.

          Pero sa totoo lang, yung ginawa nya kanina, nakagaan ng loob ko kaya siguro hindi ko muna sya babarahin at sasagutin ng: "Okay lang ako. Namumula pisngi ko saka may mga galos ako. Okay lang ako yabang! Okay lang ako!"

          "Sa tingin ko..." sagot ko saka itinapat ulit sa pisngi ko yung cold compress.

          Nasa may clinic pala kami ng school. At dahil sa wala yung nurse dito, nangialam na si yabang ng mga gamit dito sa loob.

          Kapag napagalitan kami, sabihin nyo sya lang yung gumalaw dito ah? Naupo lang ako sa dulo ng kama wala akong ginalaw na iba.

          "Kasalanan mo kasi yan eh!" sabi nya matapos ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

          "At ako pa talaga may kasalanan huh?!" inis na sabi ko saka tinapon sa kabilang kama yung hawak kong cold compress. "Ako pa talaga sinisisi mo huh?! Wow naman!"

          Iisipin ko na sana na may tinatago ding kabutihan 'tong si yabang dahil sa pagcomfort nya sa akin.

          Pero wala eh! Nakalimutan ko na si Kaizer Buenavista The Yabang pala 'tong kausap ko. Asa pa ako na babait 'to!

          "Eh sa kasalanan mo naman talaga di ba?! Kung di mo pinagkalat sa Facebook yung edited picture natin, di sana—"      

          "ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SA'YO NA HINDI AKO GUMAWA NOON AH?!"

          First time kong magtaas ng boses sa tanang-buhay ko.

          Nakakainis kasi 'tong mayabang na 'to eh! Pa-importante! Akala mo naman sobrang kagwapuhan sya kung makabintang sa akin ng kung anu-ano! Sino ba namang hindi maiinis di ba?!

          "S-Sinigawan mo ba ako?" hindi makapaniwalang sabi nya sabay turo pa sa sarili nya.

          "OO! SINISIGAWAN KITA!" sigaw ko sa mukha nya.

          Kahit na sumasakit na naman yung pisngi ko dahil sa pagtaas ng boses ko wala na akong pakialam.

          Kailangan ko kasing ipaintindi sa mayabang at sobrang kitid umintindi na Kaizer yabang na 'to na hindi nga ako yung nagkalat ng picture namin at lalong hindi ako yung nag-edit noon!

          "Saka, FYI lang huh? Mula nung nagkamali ako ng tag sa'yo, hindi na ako nakapag-online sa Facebook dahil sa katakot-takot na notification na dumadating sa akin. Nawawalan na ako ng social life ng dahil sa'yo!"

          Bigla ko tuloy namiss si Kaizer. Hindi si yabang ah? Si Kaizer na fictional character. Namimiss ko na magrole play saka maging OP sa partner ni Kaizer.

          "At kailan pa naging social life ang Facebook huh?" taas-kilay na sabi nya sabay nagcross arm pa sa harap ko. "Social ba yung sa computer ka lang nakaharap? Ang social pakikihalubilo sa ibang tao."

          Mas lalo akong nakaramdam ng inis sa lalaking 'to.

          Nakakabwisit talaga sya to the NTH LEVEL!

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon