Chapter 26

652K 10K 2.4K
                                    

Chapter 26

Sitti's P.O.V

          "Welcome to the annual Mr. and Ms. Eastton University!" malakas na announce ng host para sa event ngayon.

          Napasilip ako sa labas mula dito sa may back stage at bigla akong pinagpawisan ng malamig nang makita ko kung gaano kadami ang tao na naghihintay sa paglabas namin mamaya.

          Nakita ko din sa may first row yung Mama ko pati na din yung Lola at mga magulang ni Kaizer. Pati na din pala yung pinsan nya si Keith yata ang pangalan.

          Mas dumoble ang kabang naramdaman ko nang makita ang mga kamag-anak ni Kaizer. Hindi kasi naging maganda yung last impression ko sa kanila...kahit na nga sinabi na sa akin ni Kaizer na nagustuhan ako ng buong angkan nya.

          Nakakahiya pa din kasi. Isipin mo na lang na may pinakilala ang anak mong lalaki sa'yo na "girlfriend" tapos makikita mo kung gaano nagkalat doon sa chocolate fountain area yung girlfriend ng anak mo. Tatanggapin mo ba yung ganoon kababoy na babae?

          Kahit na sabihin mo pang weird ang pamilya ni yabang, nakakahiya pa din magpakita sa kanila matapos nung ginawa ko sa party nila noong nakaraang dalawa o tatlong linggo na yata.

          "Tsk! Sinabi ko ng wag na silang pumunta eh!"

          Nagulat ako nang makita ko na nasa tabi ko na pala si Kaizer at nakikisilip na din sa labas.

          "Hindi mo sila in-invite dito?" hindi makapaniwalang sabi ko.

          Akala ko kasi sadyang tinawag ni yabang yung mga magulang at lola't pinsan nya para suportahan sya sa contest na ito. Saka alam nyo na? Makapagyabang.

          "Hell no!" madiing sabi nya sabay alis mula sa pagkakasilip namin doon sa may kurtina na nagtatakip sa amin dito sa back stage. "Hindi ko sila inimbitang pumunta dito ano! Sinabihan ko pa nga silang wag ng pumunta eh! Ang tigas talaga ng ulo nila!"

          Napahawak na naman si Kaizer doon sa pagitan ng mga mata nya saka marahang hinilot iyon. Madalas nyang gawin 'to kapag namomoblema sya. Nakita ko na din 'to dati eh!

          "Paano na yan?" sabi ko sa kanya saka humarap sa kanya. "Ayoko ko ng lumabas doon! Ayokong makita ng madaming tao! Ayokong makita ng mga kamag—"

          Nabitin ang sasabihin ko sa lalamunan ko nang bigla na lang takpan ni Kaizer yung bibig ko gamit yung kamay nya.

          "Pwede ba? Kumalma ka lang. Walang kakain sa'yo sa labas!" sabi nya saka inalis yung pagkakatakip ng kamay nya sa bibig ko. "Saka, ano naman kung nandyan mga kamag-anak ko sa labas? Dapat nga matuwa ka at pinuntahan ka nila eh!"

          "Huh?" hindi ko sya na-gets.

          Bumuntong-hininga muna si yabang bago sumagot.

          "Pinilit nilang pumunta at manood sa contest na ito nang malaman nila na ikaw ang magiging partner ko." paliwanag nya. "Alam mo naman siguro kung gaano mo "pinaka ganda" ang impression nila sa'yo di ba? Saka gusto ka ulit makita ni lola."

          Nilagay na naman nya yung isang daliri nya sa gitna ng noo ko saka ako dinuro-duro doon.

          "Kasi ang tali-talino mo!" sabi nya sabay alis doon sa kamay nya bago ko pa iyon mahampas paalis. "Kaya wag ka ng magbalak na umayaw ngayon dahil nandito na tayo. Saka wala kang karapatang ipahiya ako sa harap ng pamilya ko kaya dapat galingan mo!"

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon