Chapter 44

462K 10.2K 2.8K
                                    

Chapter 44

Sitti's P.O.V

          "Bawal ang cellphones, tablets,MP3s, PSPs, laptops at ano pang gadget magmula ngayong araw na 'to hanggang sa matapos ang retreat."

          "ANO?!!" nakisabay na yung boses ko sa malakas at sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase ko.

          Ngumisi lang sa amin si Ma'am saka sya pumitik sa ere at lumabas mula sa likuran nya yung dalawa pang taga-school din namin, yung driver at yung assistant ni Ma'am, sabay nilabas nung dalawang bagong dating yung naglalakihang dalawang sako.

          "Nasa loob na ng mga sako na ito ang mga gadgets na meron kayo. Do not worry, nilagyan namin ng mga pangalan yung mga gamit nyo para hindi kayo magkapalitan ng gamit pagbalik."

          "ANO?!" mas malakas at sabay-sabay na sabi ulit namin.

          "Bawal ang pagtitweet, post ng selfie sa Instagram, pagbablog at lalong-lalo na ang pagpi-Facebook magmula sa gabi na ito."

          No Facebook?! Ilang araw na walang Facebook? Ako?!

          NOOOOOOO!!!

          "Eh Ma'am paano naman po ang pagwa-Wattpad?" biglang nagtaas yung babaeng katabi ko sa pila. "Pwede namang magbasa sa Wattpad di po ba?"

          "Mas lalong bawal!" madiin at masungit na sabi ni Ma'am.

          "Eh Ma'am! May bagong update po ngayon yung favorite kong author! Ma'am! Magiging official na po yung relasyon ng dalawang bida sa kwento na iyon ngayon!"

          "Wala akong pakialam, Miss Cruz!" mabilis na sagot ni Ma'am sabay humarap doon sa dalawang may hawak ng sako at inutusan nya ang mga ito na itago yung mga gadgets namin.

          Ilang beses nagpaikot-ikot sa utak ko yung sinabi ni Ma'am na bawal kaming mga-Facebook.

          Grabe! Para na nya akong inalis sa akin yung sobrang liit kong social life sa pag-alis nya ng karapatan na mag-Facebook sa akin.

          Why?! Why me?! Saka yung sa Wattpad pa! May update din ngayon yung favorite author ko! Mukhang parehas pa nga kami nung binabasa nung katabi ko eh!

          Me in a retreat house without Facebook equals FAIL! Epic fail!

          "Ngayon, sa tingin ko naman wala ng makakakontra sa pagiging close ng section nyo sa isa'-isa di ba?" nakangiting sabi ni Ma'am matapos nyang humarap ulit sa amin.

          Sunod-sunod na ingay at reklamo na yung mga ginagawa ng mga kaklase ko.

          Kahit ako gusto ko na ding magreklamo at magdabog kaya lang alam ko naman na wala din naman iyong magagawa kasi hindi din naman mababalik ng pagdadabog ko yung cellphone ko. Ganoon pa din yung ending! Hindi pa din ako makakapag-Facebook! Hindi!!!

          "For tonight activity," panimulang sabi ni Ma'am sa kalagitnaan ng pag-iingay ng buong klase namin. "We will start to introduced ourselves to one another and our unforgettable life experiences about life and love."

          Nung marinig yung mga kaklase ko yung salitang "love", sandali silang natahimik. Pero maya-maya lang sabay-sabay na silang naghiyawan at mukhang excited na sa activity namin ngayon gabi.

          Dinala kami ni Ma'am sa likod ng retreat house kung saan may naghihintay na sa aming bonfire at mga tent building materials.

          "Now, before we start, gusto kong buohin nyo muna yung mga tent nyo dahil we will sleep over outside tonight."

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon