Chapter 25

686K 10.6K 2.9K
                                    

Chapter 25

Sitti's P.O.V

          Ang bilis lumipas ng mga araw. Isang araw na lang at Mr. and Ms. Eastton University na. At bukas na iyon!

          "Galingan mo Sitti ah? Ginawan pa naman kita ng banner kaya galingan mo anak! Wag mong sayangin yung banner ko." sabi ni Mama sabay kindat pa sa akin.

          "Ano ba Ma?! Di po ba sabi ko na sa inyo na wag na kayong mag-abala pa?!"

          Oo. Nagpagawa talaga ang Mama ko ng banner/tarpaulin para lang doon sa contest na iyon. At sure na sure ako na ilalabas nya talaga yun sa araw na contest.

          Ipapahiya ako ng sarili kong Mama. Sabi na! Wala talagang maganda sa contest na ito!

          "Ay teka nga pala!" sabi ni Mama nang may biglang maisip. "Ano nga palang isusuot doon sa contest? Magbibikini ba kayo? Kasya kaya sa'yo yung bikini ko noong high school—"

          "MA!" hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.

          Anong bikini?! Saan nakuha ni Mama iyon?! Saka hello?! Maglalaslas na lang ako kaysa magpakita ng balat sa school ano!

          "Hehehe! Joke lang! Ikaw naman! KJ mo talaga kahit kailan! Anak ba talaga kita?"

          Napatampal na lang ako sa noo ko saka napapailing.

          Nababaliw na nga ako sa contest na iyon, dumadagdag pa si Mama.

          "Pero seryoso," sabi ulit ni Mama. "May isusuot ka na ba para doon sa contest?"

          "School uniform. Ano po ba iyon?"

          Binigyan ako ng poker face look ni Mama. "School uniform? Seryoso?"

          "Opo. Ano po ba isusuot doon? Mr. and Ms. Eastton iyon di ba? Malamang po naka-uniform kami!"

          Si Mama talaga minsan hindi nag-iisip.

          "Anak," sabi ni Mama. "Beauty pageant iyon. Saan ka nakakita ng beauty pageant na naka-uniform yung contestant?"

          Sarap barahin ng Mama ko at sagutin sya ng: "Sorry po Ma. First time ko po kasing sumali sa contest kaya hindi ko po alam mga sinusuot doon." Kaya lang hindi na ako nagsalita kasi masama ang sumagot sa magulang. Mabait kaya akong anak sabi ng Mama ko!

          "Kailangan nating magshopping!" tuwang-tuwa at napapalakpak pa na sabi ni Mama. "Kailangan mong magsuot ng magandang dress! Gusto ko yung may mga ribbon at—"

          "Ma!" bigla kong hinawakan sa magkabila nyang balikat si Mama para pahintuin sya doon sa nag-uumpaw na namang imagination nya. "Walang magsashopping at walang magdidress." sabi ko.

          "Eh?! Bakit?!"

          "Alam nyo naman po na hindi ako nagsusuot noon di ba? Saka shopping?! Manunuod na lang ako ng Anime at magpi-Facebook kaysa gawin 'yan."

          Sesermunan pa sana ako ni Mama kaya lang may biglang pumutol sa sasabihin nya. Yung tunog ng door bell.

          Ako na ang nagprisinta na magbukas ng pinto. Para makatakas na din sa pamimilit ni Mama na magshopping kami.

          Ako at shopping? No. Hindi kami bagay. Hinding-hindi.

           At sa pagbukas ko ng pinto, nagulat ako nang makita ko si Patty na nasa tapat ng pintuan namin.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon