Chapter 22

677K 10.1K 2.4K
                                    

Chapter 22

Sitti's P.O.V

          Kung may sasaklap pa sa classroom arrangement, iyon ay ang...seating arrangement!

          "Felicity Sandoval!" tawag sa akin  ni Miss Monterozo.

          Hindi na ako nagsalita at sa halip lumapit na lang sa kanya.

          Damang-dama ng peripheral vision ko yung masasamang tingin sa akin ni Margaret pati na din sa "best friend" ko na si Mobi na tahimik lang kumakain—na naman—ng marshmallows kahit na kanina pa sya sinusuway ni Ma'am na wag daw kakain sa loob ng classroom.

          Tigas ng ulo nya di ba?

          At isa pa sa nakakadagdag sa galit sa akin ni Margaret ay yung pagtabi din sa akin ng Prince nya na si Kaizer.

          Sa lahat ba naman kasi ng tatabi sa akin dito sa may harapan, si Kaizer pa talaga!

          Sabagay, best friends nga pala sila ni Mobi. Natural na tatabi sya sa amin. Pero kahit na! Dapat hindi sya dumidikit sa amin dahil alam naman yang mainit pa dugo sa akin ni Margaret!     

          "Seat number 34."

          Nakahinga ako ng maluwag matapos kong icheck sa may white board kung saan ba yung seat number 34. And thank God talaga nasa dulo iyon! Medyo malayo sa upuan ni Margaret na nasa unahan.

          Magaan ang pakiramdam ko na naglakad papalapit sa upuan ko.

          Ang saya lang kasi malayo ako kay Margaret. Malayo ako sa karamihan, malayo ako sa sikat na Prinsipe at sa iba pang weirdo sa eskwelahan na ito.

          Nang makaupo na ako, saka naman nagtawag ulit ng pangalan si Ma'am.      

          "Mobi Dela Cruz."

          Hindi sumagot si MM. Paano puno na naman bibig nya ng marshmallows!

          "Seat number 33. And I said stop eating marshmallows! Itatapon ko yan sa labas gusto mo?!" inis na sabi ni Ma'am kay MM.

          Mabilis na tinago ni MM yung marshmallows bag nya sa likod nya sabay tumakbo sa upuan nya...sa tabi ko. Sa may right side ko sya.

          "Itabi mo na nga kasi yan!" saway ko sa kanya ng makaupo na sya. "Kanina ka pa pinagsasabihan! Ang tigas ng ulo mo!"

          Hindi sya nakinig sa akin at palihim na dumudukot ng marshmallow doon sa bag na tinago nya sa ilalim ng mesa nya.

          'Aish! Pasaway talaga!' sa isip ko.

          "Kris Lorenzo!"

          "Yes, Miss!" sumaludo pang sabi ni Kris sabay lapit kay Ma'am Monterozo.

          "Seat number 30."

          Nanlaki mata ko. Nasa tapat ko kasi yung upuan ng playboy na Kris na 'yun!

          'Malas!'

          "Uy! May chicks sa likod ko! Swerte!" sabi nya nang makaupo na sya sa tapat ko na...may kasama pang kindat!

          'Nakakadiri talaga sya kahit kailan!'

          Sunod na tinawag ang pangalan ni Patty na sa tabi naman ni Kris mauupo.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon