Chapter 19

697K 9.9K 2.4K
                                    

Chapter 19

Sitti's P.O.V

          "Nasaan si Kaizer Buenavista?!"

          "Huh?! Nawawala si Prince?!"

          "No! Hindi iyon pwede! Sya lang pinunta ko dito!"

          "Ano ba kayo girls! Imbes na magreklamo at magmaktol kayo dyan, hanapin na lang natin sya!"

          "Tama! Kailangan nating mahanap si Prince Kaizer! Hindi sya pwedeng mawala sa event na 'to!"

          Iyan yung mga sumalubong sa akin pagtapak na pagtapak ng paa ko sa school na 'to.

          Ilang babae yung nagtatakbo pa-ikot sa school para mahanap nila yung "prinisipe" nila.

          "Ang big deal naman ng pagkawala nung mayabang na yun sa kanila!"

          "Natural. Sya kasi yung prize sa event eh."

          "AH!!!" bigla akong napatili ng wala sa oras nang may bigla na lang magsalita sa tabi ko.

          Hindi na natapos ang araw na 'to ng hindi ako nagugulat. Ano? May manggugulat pa ba sa akin dyan? Magsilabas na para isang gulatan na lang!

          "Ano ka ba naman, Mobi!" inis na sabi ko habang hawak-hawak yung dibdib ko dahil sa gulat. "Bigla-bigla ka na lang magsasalita at susulpot!"

          Hindi na lang nya ako sinagot at sa halip lumamon na naman sya ng paborito nyang pagkain. Marshmallows.

          Kanina nung umalis kami sa bahay matapos naming mag-agahan, bigla na lang syang nawala sa tabi ko.

          Alam mo yun? Sabay kaming naglalakad papasok sa school tapos nung papalabas na kami sa kanto ng lugar namin, bigla na lang syang nawala na parang bula sa tabi ko. Tapos ngayon nasa tabi ko na ulit sya?! At may hawak na syang marshmallow bag?! Saan nya nakuha yun?! Wala naman syang hawak na ganyan nung magkasama pa kami kanina ah!

          "Saan mo nakuha 'yan?" hindi ko na napigilang magtanong.

          Sandali syang tumingin sa akin at sumubo ng ilang piraso ng marshmallows bago sumagot.

          "Binili ko."

          Pinigilan ko ang sarili ko na mabatukan sya dahil sa pamimilosopo nya sa akin.

          "Hindi ko ninakaw 'to! Binili ko 'to!" defensive na sabi nya.

          'Wala naman akong sinasabing ninakaw mo yan ah!' sigaw ko sa isip ko.

          Hindi ko na lang sya pinansin saka nagsimulang maglakad papasok sa school.

          Ito na nga ba ang pinaka-ayaw ko eh! Puro puso at pula ang paligid! Nakakasilaw! Argh! Valentines Day, I hate you!

          "Daming tao..." na-aamaze na sabi ni MM habang sinasabayan nya akong maglakad.

          Oo. Kasabay ko yung pinaka weird na nilalang sa buong Eastton sa paglalakad.

          Hindi lang naman siguro ako ang nag-iisip na weird si Mobi di ba? Lahat nga ng mga babae sa school na 'to ganoon din ang sinasabi kapag nakatalikod ni MM sa kanila.

          "Tingnan mo! Nagsama yung dalawang freak!"

          "Baka sila yung magkadate?"

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon