Chapter 6

839K 14K 3.5K
                                    

Chapter 6

Sitti's P.O.V

          "Nakakatakot nga talaga yung lola mo, yabang!"

          "Anong tinawag mo sa akin?!"

          "Grabe lola mo!" napayakap ako sa sarili ko na para bang lamig na lamig saka hindi pinansin yung pagtaas ng boses ni yabang.

          Bakit? Talaga namang mayabang sya ah! Pasalamat nya sya hindi ko sya tinawag na manyak eh! Tsk! Mabait pa nga ako ngayon eh!

          "Basta! Act properly sa harap nila. Act normal. Be prim and proper!" sabi nya saka ako tinitigan ng matagal mula ulo hanggang paa.

          "So anong gusto mong palabasin? Na wala akong manners?!" naiinsultong sabi ko.

          "Naloko mo sila lola dahil dyan sa suot mo..." napapatangong sabi nya. "Grabe Kaizer! Ang galing-galing mo! Ang genius mo!"

          Kita nyo? Nagawa pa nyang magbuhat ng double deck nyang upuan?! Ang yabang di ba?! Tapos lakas ng loob nyang magalit kapag tinatawag ko syang mayabang?! Huh! Yung kapal nga naman ng mukha nya, sagad hanggang core ng mundo!

          "Basta wag kang gagawa ng kalokohan para makauwi tayo ng maaga."

          Paano naman ako makakagawa ng kalokohan? Eh halos hindi na nga ako tumayo dito sa may table namin mula ng maupo ako dito eh!

          Nakakatakot yung palasyo nila yabang—I mean bahay pala.

          Saka yung mga kamag-anak nya? Grabe! Ang sososyal! 

          Para tuloy gusto kong umuwi agad sa bahay at sumbatan si Mama sa pagpapalayas sa akin para lang samahan ang mayabang na Kaizer Buenavista na 'to. Kakainis!

          "Oy yabang!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya.

          See? Alam na nya na mayabanag sya! Aware na sya! Nice! Improving!

          "Bakit?!"

          "Kuha mo naman ako ng tubig o!" sabi ko saka napahawak sa lalamunan ko. "Nauuhaw na kasi ako eh!"

          Nahihiya kasi akong lumapit doon sa may buffet table nila. Kahit na kanina ko pa gustong sugurin yun dahil gutom na gutom na talaga ako, hindi ko nagawa.

          Baka kasi ma-impatso ako sa sobrang sosyal nung mga nakahaing pagkain doon.

          Nakita kong tumayo si yabang. Akala ko ikukuha na nya ako ng tubig...hindi pala.

          "Kumuha kang mag-isa mo!" sabi nya sabay inayos yung tuxedo nya. "Ano ako? Katulong mo?! Tumayo ka dyan at ikaw kumuha!" matapos noon iniwan na nya akong mag-isa dito sa may table namin at nakihalubilo na sya sa mga pinsan nyang sosyalin din.

          Alam nyo ba yung pakiramdam ko ngayon? Parang na-activate yung natutulog na Hulk sa katawan ko. Yung tipong na-iimagine ko na nabuhat ko 'tong mesa namin sabay itinapon sa mukha ng mayabang na yun?! Ganoon! Ganoon ako naiinis ngayon!

          Gutom na nga ako, uhaw pa! Tapos nangangati na din ako sa sosyaling damit na suot ko, pagod pa ako sa mahaba naming byahe, tapos pati pagbigay sa akin ng tubig hindi man lang nya magawa bilang sign ng thank you sa napagsama ko sa kanya?!

          HUH! Grabe na talaga ang Kaizer Buenavista na yun! Wala ng pag-asa!

          'Hindi ka naman nya niyayang sumama dito Sitti eh! Pwersahan ka nyang dinala dito.' sagot nung masamang konsensya ko. 'Ituloy mo na yung plano mo! Gantihan mo na ang mayabang na yan!'

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon