Chapter 8

842K 13.8K 3.6K
                                    

Chapter 8

Kaizer's P.O.V

          "Alam mo, hindi mo dapat pinapaiyak yung girlfriend mo ng ganoon."

          Naalis yung masamang tingin ko sa labas ng bintana ng magsalita yung katabi ko at best friend ko din na si Mobi.

          "Alam mo na hindi ko sya girlfriend kaya wag mo ng dagdagan yung pagkainis ko pwede?!"

          Kumuha lang sya ng panibagong marshmallow na isusubo saka ako tinitigan ng ilang sandali.

          "Bagay talaga kayo." sabi nya habang ngumunguya ng marshmallow. "Maangas at maangas. Bagay na bagay."

          "Pwede ba Mobi! Wag mo nga akong pinapartner sa baliw na yun!"

          "Parehas lang naman kayo..." mahinang bulong nya pero dinig ko pa din.

          "Anong sinabi mo?!"

          Sumubo lang ulit sya ng marshmallow saka pinakita pa sa akin yung pagnguya nya doon na para bang mas inaasar pa nya ako.

          Saka sino daw umiyak?! Si baliw?! Hoy! Di ko pinaiyak yun no! Ako nga dapat maiyak sa mga sakit sa ulong binibigay nya sa akin eh!

          Hindi ko akalain na ganoon na kalala yung ka-abnormalan ng babae na yun to the point na pinotoshop pa nya yung picture namin at pinalabas doon na naghahalikan kami!

          YUCK! Grabe! Ako?! Makikipaghalikan sa baliw?! NO WAY! Magpapakamatay na lang ako kaysa halikan yung baliw na yun no!

          Ang halikan ay may saliva contact. At kapag nahawaan ako ng laway ng baliw na yun, may posibilidad na maging baliw na din ako at hindi ko hahayaang mangyayari yun!

          Magkamatayan na pero never akong makikipaghalikan sa baliw na yun!

          Kaya nga ganito na lang katindi yung galit ko sa kanya sa pinagkalat nyang picture namin! Tinalo pa nya yung mga despredang babae na nag-aabang lagi sa akin sa may harap ng gate ng school!

          Pinophotoshop din ng mga babae na yun yung picture ko. From being half naked hanggang sa naka-akbay sa kanila. Pero yung nakikipaghalikan ako sa picture? Sya pa lang nakakagawa noon! At sobrang baliw na talaga sya!

          "Pero seryoso, Kai." bigla na namang nagsalita si Mobi. "Kung ako sa'yo, makikipag-ayos na ako sa girlfriend ko bago pa lumalala yung sitwasyon."

          Napakunot-noo ako sa sinabi nya.

          Sa lahat ng mga kaibigan ko, si Mobi lang yung nakakaalam ng totoong nangyari. I mean, yung nangyari na sinabi sa akin ni babaeng baliw. Na nagkamali lang daw sya ng tag sa pangalan ko blah! Blah! Blah!

          Pero ewan ko ba 'tong si Mobi, sya pa yung numero unang nang-aasar sa akin sa pamamagitan ng pagtawag sa baliw na yun na "girlfriend" ko.

          Kung yung pagtawag nya sa akin ng Prince na para bang isa sa mga babaeng naghahabol din sa akin ay pinapalagpas ko pa minsan, yung pagtawag sa babae na yun na "girlfriend" ko talaga, hindi na! A.YO.KO.

          "Isa pa Mobi!" pagbabanta ko.

          Pero hindi nya lang ako pinansin.

          Sa lahat din ng mga kaibigan ko, si Mobi lang yung nakilala ko na sobrang kalmadong tao...at medyo weird. Tahimik sya na madaldal na ewan! Minsan hindi ko makuha kung ano bang ugali meron sya talaga.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon