Chapter 30

633K 10.9K 4K
                                    

A/N: Okay! Few reminders. Hindi ko pa na-eedit ang chapter na ito kaya pasensya na sa typo. Second, boring ito. Third, happy reading! XDD

Chapter 30

Sitti's P.O.V

          "Pwede bang maging tayo, Felicity Sandoval?"

          Saktong huminto yung music nang huminto na din kami sa pagsasayaw ni Kaizer.

          Nakatingin lang ako sa mukha nya, gulat at ganoon din sya sa akin. Ang pinagkaiba lang nung ekspresyon sa mukha nya, seryoso sya.

          "H-Huh?" nauutal na sabi ko sabay biglang bumitaw sa kanya.

          Hindi Sitti! Hindi! Mali ka dinig! Hindi nya sinabi iyon!

          'Hello?! Ayos ka lang?! Bakit naman sasabihin ni Kaizer ang bagay na iyon huh? Sino ka ba para yayain nyang maging girlfriend—kung iyon nga yung ibig nyang sabihin. Hello! Wala ka pa nga sa kalingkingan ng mga babaeng estudyanteng naghahabol sa kanya eh!' sermon ng utak ko sa akin.

          Hindi sya nagsalita. Sabi na eh! Mali lang ako ng dinig!

          Pero ang pinagtataka ko eh kung bakit nakatingin lang sya sa mukha ko.

          Para kaming mga sira dito sa gitna na nagtitigan lang. Pero di katagalan ay ako na din ang umiwas ng tingin sa kanya saka napatingin sa malayo.

          'Bakit nya ba kasi sinabi iyon?! Nakakailang na tuloy!'

          "Seryoso ako Sitti."

          Napalingon ako ulit sa kanya nang bigla na lang syang magsalita ulit.

          "Gusto kong totohanin na lang ang lahat." sabi nya habang titig na titig sa mata ko. "Pumapayag ka bang maging girlfriend ko?"

          Hindi ako namali ng dinig! Totoo ang lahat ng sinabi ni Kaizer.

          "Ano na? Bakit ang tagal mong sumagot?" naiiritang sabi nya sabay pinagkrus yung mga braso nya sa tapat ng dibdib nya. "Ang tagal! Oo o hindi lang naman ang sasabihin eh!"

          Medyo nainis ako sa sinabi nya.

          Sya na nga may kailangan sa akin tapos sya pa yung nagmamadali sa akin?!

          "Teka nga lang pwede?! Nag-iisip pa ako!" sabi ko kahit na hindi naman talaga ako nag-iisip.

          Ano ba naman kasing iisipin ko dito? Eh isa 'tong malaking kabaliwan!

          Ako at si Kaizer? Bilang totoong magboyfriend at girlfriend? Luh! Di ko ma-imagine!

          "Bakit? Nagdadalawang isip ka pa ba?!" gulat na sabi nya.

          "Binigla mo naman kasi ako sa—"

          "Sa gwapo kong 'to?! Tatanggihan mo ako?!"

          Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko sa pagbubuhat na naman nya ng bangko—ay hindi! Ng sofa nya! Sofa!

          "Hindi ka naman proud na proud sa mukha mo ano?" sarcastic na sabi ko saka sya tinitigan mula ulo hanggang paa. "Eh mas gwapo pa nga yata si MM sa'yo eh!"

          "Sinong MM?!" bigla syang nagtaas ng boses. "Lalaki mo ba iyon huh?!"

          Mabuti na lang talaga at nung nasa ganito na kaming part ng pag-uusap namin ay nagresume ng pop music yung DJ ng dance party at wala ng nakakarinig sa pag-uusap at pagtataas ng boses ni Kaizer kundi kaming dalawa na lang.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon