Chapter 46

484K 8.7K 2.5K
                                    

Chapter 46

Sitti's P.O.V

Matapos ng naging confession at pagsagot na ginawa namin ni Kaizer sa harap ng mga kaklase namin, inulan kami ng tukso ng mga classmate kong lalaki, nila Kris at Patty. Si MM pumalakpak lang.

Habang yung mga classmate kong babae nag-iyakan. Umiyak sila kasi taken na daw yung Prinsipe nila.

Wala naman akong balak agawin yung prinsipe nila sa kanila eh! Hindi naman porque "kami" na ni yabang eh sosolohin ko na sya. Pwede ko pa din naman syang ishare sa iba eh.

'Teka! Ganoon nga ba iyon?' sa isip ko.

"Okay class that's all for today. Pwede na kayong magsipasok sa mga tent nyo. Bawal magpuyat! May activity tayo ng maaga bukas."

Bigla akong natigilan ng sabihin ni Ma'am ang tungkol sa pagtulog.

Nakalimutan ko...

Sa iisang tent nga pala kami matutulog ni Kaizer! Waaaa!!!

"Good night Sitti! Congratulations ulit!" masayang paalam sa akin ni Patty saka nya ako binigyan ng mahigpit na yakap at saka umalis na.

Gusto ko sana sya tawagin ulit para hindi kami maiwan ni yabang mag-isa dito sa labas kaya lang bago ko pa mapansin, wala na si Patty sa harapan ko.

At ngayon, kaming dalawa na lang ni Kaizer ang naiwan sa harap ng bonfire.

Katahimikan. Sobrang katahimikan. Yan ang pumapaibabaw sa ere namin ngayon. At sobrang nakakailang iyon.

Pero teka nga pala, bakit ako maiilang sa kanya eh di ba boyfriend ko na sya?

Saka ano ba ang ginagawa ng isang girlfriend? Paano ba maging girlfriend?

Pero ang pinaka problema ko ngayon...

Paano ba maging girlfriend ng isang school heartthrob?

'Siguro kailangan kong tanungin si MM o di kaya si Patty tungkol dito.'

Pero di ba nakakailang iyon? Saka tama ba yung sinabi ko kanina? Na sinabi kong "boyfriend ko" si Kaizer?

Tanggap ko na ba sya bilang boyfriend ko?!

Waaaa!!! Di ko na alam ang iisipin at gagawin ko!

"Anong iniisip mo?"

"Naiisip ko kung paano ba maging girlfriend mo."

Minsan gusto ko ng sumpain yung bibig ko kasi hindi sya nag-iisip. Kasi basta-basta na lang sya nagsasalita ng di ko alam. Nakakainis!

"Iniisip mo paano maging girlfriend ko?" natatawang ulit ni yabang sa akin.

Binigyan ko na lang sya ng masamang tingin para sa balak nyang pagtawa at mukhang effective naman kasi natigil sya doon sa pagtawa nya.

"Walang nakakatawa dito saka di ako comedian kaya wag kang tumawa!" inis na sabi ko.

"Eh sa nakakatawa ka eh! Anong mamagawa ko? Alangan namang hindi ako tumawa kapag natatawa ako?" masungit na sagot ni yabang sa akin.

"Alam mo? Tinalo mo pa yung babaeng may dalaw sa pagsusungit mo!"

Hindi ko alam kung bakit napunta dito yung usapan namin. Basta! Magsasalita na lang ako ng magsasalita para hind imaging nakakailang yung nakakailang ng sitwasyon namin.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon