Chapter 29

658K 11.6K 5.3K
                                    

A/N: Dedicated kay iamgnet1 kasi nakuha nya yung comment na hinihintay ko. You analized this chapter well girl congratz! :)

Chapter 29

Sitti's P.O.V

          Ilang minuto na kaming nasa labas, sa may open field, kasama yung mga classmate ko na hindi na tumitigil sa pagcocongratulate sa amin ni Mobi at maging yung iba pang estudyante sa Eastton na super high pa din sa kakatapos na event at paparating na event...na naman.

          "Nasaan si Prince? Bakit wala sya dito?"

          "Bakla ka! Nandyan lang iyon! Hanapin natin!"

          "Eh kanina nga tayo hanap ng hanap kay Prince at kanina pa din natin sya hindi nakikita!"

          "Boba! Reklamador ka masyado ano? Maghanap ka na lang pwede?!"

          Nagsimula na namang mag-ingay ang 98% ng populasyon ng mga babae sa school namin dahil sa paghahanap kay Kaizer. 98 lang kasi hindi ako kasama at mukhang hindi din kasama sa fan club nung Prinsipe ng school si Patty.

          Nagtataka din ako kung nasaan na si Kaizer. Parang kanina lang kasama namin syang bumaba ng stage tapos ngayong naman bigla na naman syang nawawala?!

          'Baka nasa rooftop na naman?' sa isip ko.

          Bigla akong napaangat ng tingin sa rooftop pero agad ko ding inalis ang ideya na iyon sa utak ko.

          Hindi pwedeng nasa rooftop na naman si Kaizer. Gabi na. Madilim na doon. At nasisiguro ko na nasara na iyon ng mga guard sa school.

          Nagtataka man pero wala na akong panahong pag-isipan pa ang tungkol kay Kaizer.

          Mas may malaki akong problema ngayon...at iyon ay ang dance party at couple dance!

          I mean, hello?! Bakit may ganito pa? Ano 'to? Acquintance lang? JS Prom? May sayawan? Akala ko ba pageant-pageant lang 'to? Bakit may ganito? Feeling high school? Eh hello! College na kaya kami!

          Napatingin ako sa katabi ko dito sa may harapan. Oo, binigyan nila kami ng upuan na pang hari't reyna ni Mobi at talagang piniwesto pa sa harap habang suot-suot pa rin namin ang nagbibigay ng pawis sa ulo ko na korona at sakit sa kamay ko dahil sa matagal na pagkakahawak na sphere. Tsk!

          Busy si MM sa pagpipiyesta nya sa marshmallows nya.

          Alam nyo ba? Share ko lang sa inyo. Nanalo kami ng cash prize. Hindi kalakihan pero malaki pa din iyon para sa akin. Sabi initial na bayad pa lang daw iyon. Ano pa kaya kung full na di ba?!

          So ito na nga, hindi tinanggap ni MM yung pera at sa halip nagrequest sa Studet Org Officers na i-exchange ang napanalunan nyang pera sa...hulaan nyo. Ano kayang pinalit ni MM sa pera nya?

          A. Libro B. Dinonate nya sa Org. O C. Marshmallows.

          At ang tamang sagot? Dyaran! MARSHMALLOWS...NA NAMAN!

          Dahil sa bored na bored na ako sa pwesto namin ni MM sa harap at mukhang magtatagal pa ang paghihintay naming mga estudyante kasi nagkaroon ng technical problem sa music, dinukot ko na lang yung cellphone ko sa bulsa ng damit ko at saka nag-Facebook.

          Walang WiFi sa labas ng school, asa pa kayo! Free FB lang 'tong gamit ko.

          Pag-open na pag-open ko ng FB ko, unang bumungad sa akin yung namumulang tatlong number sa message icon ko. Oo, may nagmessage sa akin.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon