Chapter 15

713K 11.2K 1.5K
                                    

Chapter 15

Sitti's P.O.V

          Mahigpit na hawak ngayon ni yabang yung kamay ko.

          Matapos kasi nilang magtitigan ni Kris kanina bigla na lang nya kinuha yung kamay ko saka ako kinaladkad palabas ng gym.

          "Ano ba?!" inis na sabi ko habang pilit hinihila pabalik yung kamay ko. "Bitawan mo ko sabi eh!"

          Medyo nagulat ako nang bigla na lang syang humarap sa akin saka marahas na binitawan yung kamay ko.

          "Bakit mo kasama si Kris huh?!"

          Tinaasan ko lang sya ng kilay sa pagsusungit na naman nya habang hinihimas-himas yung kamay ko na hawak nya kanina.

          "Wag kang lalapit kay Kris!" sabi nya matapos kong hindi sumagot sa kanya.

          "Wala naman talaga akong balak lumapit doon no! Saka hello?! Bulag ka ba?! Kita mong sya yung sunod ng sunod sa akin di ba?"

          "Tsk!" sabi nya saka ako tinitigan mula ulo hanggang paa. "Playboy yung si Kris. Wag kang nagpapaniwala sa mga pinagsasabi noon!"

          "Obvious naman eh!" sabi ko sabay pinaikot yung mga mata ko.

          Nagtitigan lang kami ulit ni yabang. Mauna kumurap, talo. Kaya lang napakurap ako kaya ako natalo. Nakakainis!

          "Ano na naman bang ginawa mo?" tanong na naman nya sabay pinagcross nya yung mga braso nya sa tapat ng dibdib nya.

          Nga pala, dito nya ako dinala sa likod ng gym kaya walang ibang makakarinig sa mga pinag-uusapan at pag-uusapan namin kundi kaming dalawa lang.

          "Anong anong ginawa?" litong sabi ko.

          "May naririnig na naman akong balita tungkol sa'yo." sabi nya. "Kapag nasama na naman yung pangalan ko dyan, malalagot ka na talaga sa akin!"

          Sheesh! Takutin daw ba ako? Para namang matatakot ako sa kanya di ba?

          Saka anong ginawa? Wala naman akong ginagawa ah?

          'Teka! Meron nga ba?!'

          Nasa kalagitnaan ako ng pagpaflashback sa mga ginawa nitong nakaraang araw nang bigla na lang syang mapabuntong-hininga. Napatingin ulit ako sa kanya.

          "Basta mag-iingat ka na lang." sabi nya saka umalis na sa harap ko.

          Napatanga ako doon sa sinabi nya.

          Teka...tama ba yung dinig ko?

          Tama ba na sinabihan ako ng "ingat" ni yabang?!

          Saka, para saan yun? Saan ako mag-iingat?

Kaizer's P.O.V

          "Tapos na kayong mag-usap ni babe ko?"

          Napakunot-noo ako nang makita si Kris na nakatayo sa ilalim ng basketball ring saka ito sumandal sa may basket post na may malapad na ngisi sa labi nya.

          "Nandito ka pa?" napatingin ako sa wall clock ng gym.

          5 minutes na lang at babalik na yung mga ka-teammate ko.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon