Chapter 31

671K 12.4K 3.1K
                                    

A/N: Okay, sabi ko na kwento naman ng ibang characters ang Chapter na ito. But the heck! Saka na muna iyon, ito muna. BORING TO! PRAMIS! SABAW CHAPTER 'TO. Happy reading!

Chapter 31

Sitti's P.O.V

          Ilang araw matapos ang dance party ay hindi ko malaman kung bakit sobrang busy na naman ng mga estdyante sa school namin at nung school na din mismo.

          I mean, lagi na lang maagang na didismiss ang klase. Minsan nga, isang teacher lang yung pumasok sa amin. May iba naman na pumasok nga, nagpaoa-attendance lang naman.

          Maaaring iniisip na ang saya nga ng sitwasyon ko di ba? Pero hindi. Hindi din kasi kami pinapauwi ng maaga. Nasa loob pa din kami ng school at nakatambay lang.

          Sige nga. Sabihin nyo nga sa akin kung anong masaya doon?!

          "Lilipat na talaga ako ng school!" inis na sabi ko sabay kagat sa melon bread na binili ko sa cafeteria kanina.

          "Lilipat ka?"

          Muntik na akong mabilaukan nang may bigla na lang nagsalita sa may likuran ko.

          At sino pa ba ang madalas gumawa nito? Sino ba yung tao na ginagawa ng hobby ang pangugulat sa akin?

          Tama. Si MM nga. Wala ng iba.

          "Tubig?" sabi nya sabay abot nung tubig nya sa akin.

          Mabilis ko namang kinuha iyon saka uminom. "Grabe ka talaga MM! Wag ka ngang nanggugulat!"

          Kailangan ko na talagang magpatingin sa doktor sa puso. Dahil baka mamatay ako ng maaga ng dahil sa gulat sa biglaang pagsulpot mula sa kung saab ni MM.

          At isa pa, papatingnan ko na din yung abnormal na tibok ng puso ko tuwing nakikita ko yung ngiti ni Kaizer.

          Sya nga pala, speaking of Kaizer, matapos din ng party, hindi na sya  nagpapakita sa akin.

          Hindi naman sa hinahanap ko sya ah? Nagtataka lang ako kasi bigla na lang syang hindi nagpapakita sa school.

          Pero ang kinaganda din ng pagkawala ni Kaizer, nawala din yung mga nakakairita, maingay at mga tsimosang fan girls nya.

          Malapit na talaga ako mabilib sa mga fan girls ni yabang. Kung mawawala sya, mawawala din sila. At kapag nandyan naman sya, nandyan din sila.

          Dedicated fans.  Kapag namatay kaya si Kaizer mamatay din sila?

          "Bakit ka lilipat?" hindi pinansin ni MM yung reklamo ko saka sya naupo sa tabi ko dito sa may damuhan, sa may open field ng school. "Saan ka lilipat? Kailan ka lilipat?"

          Napakunot-noo ako sa mga tanong nya.

          "Akala ko ba hindi ka na aalis? Na hindi mo na ako iiwan?"

          Nagsimula na namang magdrama si Marshmallow Monster.

          At kung inaakala nya na mahuhulog ulit ako sa drama nya na may pinaasan ka sa tamang hinalang segway sa dulo, pwes, hindi na.

          "Malapit na talaga akong lumipat kapag ganito pa din ang nangyayari sa school na 'to!" sabi ko. "Wala na akong natutunan!"

          "Para namang nag-aaral ka."

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon